Nabasa ni Rylla ang mga salita ni Zharco. Kaligayahan siya. Kahit ito lang ay para nang pagkalaki-laki ng pagpapahalaga sa kanya ni Zharco.
Bigla na lamang hinalikan ni Rylla sa magkabilang pisngi si Zharco.
Galit ang unang reaksiyon ng binatang Moxford. "What's that for?!"
"Gratitude!" Nasagot naman ni Rylla ang tanong dahil nga nabasa niya ang bibig ni Zharco habang nagsasalita.
"For God's Sake you are prisoners here, Rylla. Tandaan mo iyan. Baka ikaw din ang hindi makakatagal. Hindi ka kaya magsasawa kung sa araw at gabi ay may earphone ka at mga istasyon ng radyo lamang o di kaya personal music mo ang maririnig mo?" Patuyang sagot ni Zharco.
Hindi naman natinag si Rylla. "Okay lang. I'll enjoy my life here. Basta libre akong maglakad-lakad sa Hacienda, ha?"
Naiinis naman natinag and binata. Delikado ang gusto ng dalaga, alam ba nito? May mga hayop, lalo na ahas... na makamandag.
"Sasamahan na lang kita kung malayo ka na pupunta. Kaya itataon mo na wala akong ginagawa kung gusto mong pumunta sa mga liblib na bahagi ng hacienda." Nabasa na naman ni Rylla ang mga labi ni Zharco kaya niya naiintindihan.
"Sige na nga." Ito naman talaga ang ang kanyang gusto. Na kasama niya ang binata.
Just being with him will make her day meaningful. Basta isi-savor niya ang mga araw na sila ni Zharco ay magkatabi.
Pero nang gabing iyon, natukso si Rylla ng isang ideya. Hindi yata siya makukuntento na nakatira sa Moxford pero wala siyang alam sa nangyayari araw-araw.
Kaya lang niyang magbasa ng labi kung concentrated siya sa isang nagsasalita. Kapag sabay-sabay na ang nagsasalita, hindi siya makakabasa.
Mandadaya siya, Okay?
She wants do it. Hindi siya takot sa temper ng mga Moxford. Gusto niyang marinig ang mga usapan. Kahit ano awayan.
She would love that. She will always be a part of this family lalo na kung pati kapintasan ng mga ito ay kanya ring matatanggap.
Bago niya matanggap; kailangang marinig muna niya ang lahat, hindi ba?
Sound-proof naman itong kanyang earphone dahil mamahalin. Hindi malalaman ng mga tao sa paligid kung may music ang kanyang earphone.
So, walang makakaalam na turned off na pala ang kanyang cellphone at kahit mahina ay maririnig niya ang usapan sa paligid.
_______
Its_AudreyBelle11 | AG💋
BINABASA MO ANG
Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)
RomanceZharco Von Moxford and Sunshine Vianna Rylla Geraños love story _______ Date: April 18, 2021 Date Finished: December 26, 2021