Chapter 14

44 9 1
                                    

Sa araw-araw na lagi niyang katabi si Rylla, si Zharco ay nagbaba na ng depensa.  Napalagay na siya nang husto.

Nang malambot na ang kanyang puso at pumapasok na ang matagal na nilibing na romantisismo sa kanyang pagkatao. Ang musika sa kanyang high-tech na traktora ay nagbago. Mula sa rock music, naging sweet song.

Makakarinig ka na ng mga romantic songs na gaya ng Can't Help Falling In Love With You, Tell Me That You Love  Me at Love Story.

Sumasabay pa sa pag-awit si Zharco. Something na ngayon lang talaga nangyari.

Eh, bakit naman siya mahihiya. He is not looking at Rylla na kung saan-saan nakatingin habang nasa gitna sila ng field. Kaya bumabanat talaga ng pagkanta ng may feeling si Zharco.

At lovingly, sumusulyap siya kay Rylla  when the line of the songs becomes very expressive of love. Naaliw nga siya sa kanyang sarili, eh. Without Rylla knowing it, para na rin niya itong nililigawan through the love songs na sinasabayan niya.

Ang mahalaga lang naman kay Zharco  ay nailalabas niya ang kaniyang damdamin, kahit hindi pa alam ni Rylla.

Sa ngayon, ganito lang muna.

Bahala na kay batman. Kung magkakalakas-loob ba siyang gawing pormal ang panliligaw niya sa dalaga.

Isi-savor na lamang muna niya ngayon ang kanilang kakaiba pero nagpapaligaya sa kanya na sitwasyon.

Sa mga araw pang dumaan, palalim na palalim ang nararamdaman ni Zharco para sa dalaga.

Aba, nakakagawa na siya ng mga poems na puro tungkol sa love!

At ang "walang kaalam-alam" na si Rylla ay dinigdigahan na pala niya sa pamamagitan ng mga tulad ng romansa!

How can she know it? Hindi naman nakatingin sa kanya si Zharco habang tumutula ng pag-ibig.

Heto and ilan sa mga tula ni Zharco na siya mismo ang nag-compose.

Purong tagalog pa ang karamihan.

"O, Rylla ng aking buhay, bakit baga dumating at ako at iyong tinuliro?
"Sa aking akala ikaw ay kaaway, hindi pala, kundi lihim kong kasuyo!
"Kung nalalaman mo lamang ang dibdib ko'y nag-aapoy sa pagmamahal
"Balang araw ito ay iyong matutuklasan at ikaw ay matitigagal!"

Patuloy sa malakas na pagtula si Zharco habang nasa manibela ng traktora.

"O, Rylla, Rylla... sa gitna ng bukid ikaw ay tala.
"Sa gitna ng isip ko ikaw ay prinsesa.
"Sa gitna ng puso ko ikaw ay reyna.
"Sa gitna ng buhay ko ikaw ay Diyosa.
"Sa gitna ng mundo ko ikaw ay lahat na!"

Sumulyap pa nga nang palihim si Zharco sa kanyang katabi. Baka naman may ideya pala si Rylla na siya ay tumutula.

Blangko ang magandang mukha ni Rylla, tila kuntento pa rin sa pakikinig sa musika ng kanyang cellphone. Natitiyak ng binata na wala itong naririnig kahit kapiranggot.

Without her knowing, at hindi siya nito mapagtatawanan, gagawin niya araw-araw ang pagtula ng pag-ibig para sa dalaga. Kailangan kasi talagang ilabas ang kanyang nararamdaman niya para sa dalaga.

Tutula siya at kakanta ng mga love songs. Puwede siyang magmukhang baliw sa pag-ibig basta walang nakakaalam. 

Just follow the rules, okey? Basta sa tuwing siya ay kakanta o tutula, huwag na huwag siyang haharap sa dalaga. Para hindi nito mababasa ang bukas ng kanyang bibig.

And then he just can go on being a romantic fool!

Ang pinaka-finale ng tula ni Zharco ay ang napakalakas na pagsigaw ng "I love you, Rylla!"

Eh, may nakarinig naman pala.

"Kuya Zharco, ha? Komo hindi naririnig ng katabi mo, binabanatan mo ng tula! Aba! Walang kalaban-laban si Rylla!" Si Cyrus pala ang nakarinig.

Dumilim ang mukha ni Zharco. "Ulol ka, Cyrus!"

"Gusto ko lang mapatunayan.  Akala mo ba ako ang unang nakarinig sa mga tula at pagkanta ng love songs?"

"Ha? What do you mean? Huwag mong sabihing si Papa?"

"Relax, Kuya Zharco. Hindi pa naririnig ni Papa. Pero ang lahat na kapatid natin, bistado ka na. Narinig na rin nila. Nauna pa sila sa akin. Ang  lakas-lakas naman kasi ng boses mo, 'no? Habang nagtatanim ng mga malunggay doon sa dulo si Kuya Darius ay narinig ka niya kaya lumapit siya at inusyoso kung ano ang pinagsisigaw mo. Aba, tumutula ka raw at kumakanta pa."

Napalunok bigla si Zharco.

Sumulyap siya kay Rylla. 

Nakikinig pa rin ito sa kanyang cellphone through the earphone. She is not playing any attention sa kwentuhan nila ni Cyrus.

_____

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Moxford Series 1: Why Can't Be Just Like Other Lovers? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon