Chapter 2:Weird

1 0 0
                                    

VOTE BEFORE YOU READ THIS CHAPTER!!!PANSENSYA NA MUNG MAY MGA TYPO.

ZOE'S POV

"Zoe!"

"Zoe gising!"

"Zoe,gumising ka!"naimulat ko ang mga mata ko dahil sa ingay nila.bumungad sa akin ang puting kisame.at ngayon ko lang napagtantong nasa higaan na pala ako.

"Anong nangyari?"tanong ko sa kanila na bakas sa pagmumukha nila ang pag alala.

"Nawalan ka ng malay kagabi"Sambit criza sabay sapo sa sariling noo.

Kagabi? So umaaga na pala ngayon? Kumiripas ako ng tayo dahilan para magulat sila.At ngayon ko lang napagtanto na lahat sila ay naka bihis na.

"Sorry,maliligo lang ako"mabilis na sabi ko at kinuha ang tuwalya sabay takbo sa cr.

Paulit ulit sa isipan ko ang mga nangyayari kagabi,hindi ko alam kung bakit o sino yung tao nayun na nagpakita sa akin.Parang gusto ko na talagang huwag nalang lumabas.Dali dali kong tinapos ang pagligo ko nang may mapansin na naman ako ng kakaiba sa loob ng cr.Paglabas ko ay wala ng tao.malamang na baka nasa sala nayun at naghihintay.nagsuot lang ako ng puting t-shirt at itim na panatalon na pinarisan ko ng puting sapatos.Sinuklay ko ang hanggang bewang kong buhok at inayos ang bag ko na kunti lamang ang laman na gamit.

Paglabas ko ay nadatnan ko sila sa sala na parang inip na inip na sa kakahintay.

"Lets go!"tulad ng dati ay bigla bigla nalang akong sumusulpot sa harap nila.Dahilan para bigla silang mapatalon sa gulat.

"What took you so long?"Si ken,tulad ng dati ay ayun agad ang bumungad sakin.

"Nag iisip pa ako"Sarkastikong sagot ko at inunahan sila ng paglalakad.

"Ano bang nangyayari sayo,kagabi zoe?"kunot noong tanong ni ash sa gitna ng byahe,patungong paaralan.

Kakaiba talaga ang paligid,Walang tao,Walang nagkakalat na aso,Walang mga batang naglalaro sa daan,walang nagtitinda sa gilid ng daan.Nakakatakot ang katahimikan,na para bang may bigla nalang susulpot sa harap mo.Na para bang may ibang pinaplano.

"Wala"sagot ko kay ashly bumagsak naman ang mga balikat niya at bumuntong hininga.Nahuli ko si ken na nakatingin saakin sa harap ng mirror.Bakas sa mga mata niya ang mga katanungan.

Ipinarada ni Ken ang kotse at nauna na akong bumaba.Sumunod naman sila.Bumungad sa amin ang napakalaking paaralan,pero wala man lang ibang kulay kundi ang abo lamang.Kunot noo akong lumapit roon.

"Dito ba talaga ang paaralan?"ganon din ang reaksyon ni Criza.

"Baka nagkamali lang tayo"kunot noong sambit ni geo,At sinuyod ang paningin.

"Dito nga!"halos mapatalon ako sa gulat nung may nagsalita sa likod namin.Nilingon namin iyun at tumambad sa amin ang apat na studyante siguro.Wala sa oras na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa porma palang nila ay parang malaki ang ranggo dito.

Nilingon ko ang nag iisang babaeng Maganda,sexy,mapula ang labi,mahaba anh buhok at matangkad.hindi ako nagkakamali siya iyung babaeng nakita namin kahapon sa gitna ng paghahanap namin ng matutuluyan.pero anong ginawa niya dito? Nakuha ng atensyon ko ang lalaking nasa unahan nila.Na deritsong nakatingin sa akin.napalunok ako dahil sa lakas ng kanyang dating.iyun siguro ang leader nila.Hindi ko rin mapigilan ang humanga sa kagwapohan niya.kakaiba talaga.

"A-Ah ito po ba yung paaralan ng cavite?"napalunok na sambit ni Ash.ganon rin ang mga reksyon ng mga kaibigan ko.

Nag iwas ako ng tingin sa lalaking leader nila nung wala man lang balak na ilihis ang paningin sa akin ng lalaki.at sinulyapan ang babaeng kasama nila.

"Yes!,kaya ano pang hinihintay niyo? Delikado kapag na late kayo"nakangising ani ng babae.tiningnan ko sila isa isa at napalunok nalang dahil sa nakakatakot na aura nila."Dito sa amin,may patakaran kami,kaya once na lumabag kayo.."pagbitin ng babae sabay ngisi sa amin."You'll died"Seryuso at nakakatakot na dagdag niya sabay sulyap sa akin na puno ng katanungan.

Nagulat ako nung bigla nalang silang humalakhak sa kakatawa
Maliban sa lalaking leader nila na kanina pa nakatingin sa akin.napakurap nalang ako at nilingon ang mga kaibigan ko na kagaya ko ay hindi makapanilawa sa mga inasta nila.

"Were just kidding!"natatawang sambit ng isa pang lalaking matangkad at gwapo.

"Weird"nilingon ko si criza sa sinabi niyang iyun.buti nalang at pabulong lang iyun.

"I'm Kim Nhayun Btw"natatawang pakilala ng magandang babae.

"I'm Mike Chan"pakilala ng isa pang lalaking nagsalita kanina.May katangkaran rin at may hikaw sa isang tenga.

"And Im Yohann Lat"Sabi pa nung isang lalaking gwapo rin.Kahit na nagpakilala lang sila habang tumatawa ay kakaiba parin ang paraan ng pagtawa nila.hindi ordinaryong tawa.nilingon ko ang leader nila na kanina pa nakatingin sa akin ng seryuso.na parang nag iisip kung magsasalita ba siya.

Tumaas naman ang kilay ko.parang hindi naman siguro sila masamang tao.Dahil kung masama sila kanina pa sana nila kami sinasaktan.

"At sinong may sabing magpakilala kayo"nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko ang kaba na bumalot sa katawan ko. dahil sa pamilyar na boses niya.Sa simpleng sinabi niya ay parang may kakaiba don.hindi mo alam kung nagtatanong ba o hindi.weird.

"Easy bro,nagpakilala lang naman kami ah? Ano bang masama ron?"natatawang sambit ni yohann.

"Ba't hindi kana lang din magpakilala"natatawang sabi ni Mike.sabay kindat sakin.na ikina kunot ng noo ko.

"I'm hell, ako ang uubos sa inyo"seryusong sambit ng leader nila na ikana bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa narinig.

Nagsitahimik naman ang mga kasama at sumeryuso.Kakaiba talaga ang mga ito.sobrang nawiwirduhan na ako.Minsan parang mabait minsan nakakatakot.kakaiba talaga.

Tinalikuran kami ng leader nila at pumasok sa Gate.

"Pag pasensyahan niyo na siya,hindi kasi siya marunong magbiro,kaya minsan imbes na joke yung sasabihin niya nakakatakot tuloy yung dating"natatawang sambit ni kim at napailing.

"Pumasok na kayo baka ma late kayo"sa paraan ng pagkakasabi ni Yohann ay parang nagbabanta.

"Lets go guyz!"natatawang sambit ni Mike at itinaas ang isang kamay sa ere sabay wagayway.

Nung wala na sila ay tsaka ko na nilingon ang mga kaibigan ko na laglag panga na.pati rin ako hindi makapaniwala sa mga inasta nila.

"Kakaiba talaga,pero may excitement ah?"manghang sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Anong excitement ka diyan ang weird kaya"hinampas siya ni ash.

"Tara na!"yaya ni ken na kanina pa tahimik.nagkibit balikat nalang ako kay criza nong tumingin siya sa akin.

Nakapagtataka na wala man lang guard ang nagbantay sa labas.Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang napakaraming studyanteng naglalakad lakad sa lobby.Ramdam ko ang mga mata ng lahat ng studyante dito.Na parang na eexcite sa nakikita,yung iba namangha,yung iba nakangisi,yung iba seryuso,yung iba napailing iling,yung iba parang nanghihingi ng tulong.weird talaga o sadyang ganito lang tagala ang mga studyante dito.ako lang tong sobrang oa kung makapag isip.

"Akala ko tayo lang ang studyante dito"natatawang sambit ni geo.

"Ako nga rin eh!"ganon din si ash at ang dalawa na parang walang napapansing kakaiba.

O ako lang talaga tong sobrang annoying..

To be continued..

One Night Hell (ON-GOING)Where stories live. Discover now