VOTE BEFORE YOU READ THIS CHAPTER!!!PASENSYA NA KUNG MAY MGA TYPO!!!
ZOE'S POV
NAGULAT kaming pareho ni Kenzo nang magsilabasan ang mga studyante at nagsitakbuhan na parang may pupuntahan.nagsimula naring mag ingay ang buong lobby.dahil sa sigaw at takot.
"Anong nangyayari?"kinakabahang tanong ko kay kenzo na ganon rin ang reaksyon.
"Ewan ko,hindi ko alam.dali bilisan natin!"nagmamadaling sambit niya.
"Geo anong nangyari?!"sigaw ko pag dating namin sa classroom dahil sa sobrang ingay.Pati rin sina criza ay nalilito na hindi malaman ang gagawin.
"Ewan ko! May pumasok kasi dito sa amin kani kanilang.Babae gulong gulo ang buhok at umiiyak habang humihingi ng tulong!"nagpapanic na sagot niya.kami nalang ang tao sa classroom dahil lahat sila ay nasa labas.
"Parang hinabol siya,dahil bakas sa itsura niya ang takot.ewan ko,pero bigla nalang nagsilabasan ang mga studyante at sinundan ang babae!"kinakabahang paliwanag ni ash!.nilingon ko si kenzo na bakas sa mukha niya ang nag alala sa mangyayari.
"Halika sundan natin sila!"sabi ko pero huminto ako nang magsalita si criza.
"Nahihibang kana ba?! Pano kung may nagaganap na masama sa labas?!"kinakabahang sigaw niya.
"Tara!"biglang sabat ni Ken kaya napalingon ako sa kanya.bakas sa kanya ang gustong malaman kung ano ang nagyayari.
"Ken!"reklamo ni criza.
"Okay lang Criza,e chicheck lang namin kung anong nangyari sa labas,basta kung anong mangyari ay dito lang kayo..Geo ikaw muna bahala sa kanila!"baling niya kay geo na tumango naman agad.
Hindi na nakapagsalita si criza at nasapo nalang ang sariling noo.nilingon ako ni ken at tumango nalang ako.sabay kaming lumabas at nakisabay sa mga studyanteng tumatakbo sa iisang deriksyon.sobrang ingay ng lobby parang sabungan.pero iba ang paraan ng pag iingay nila.kakaiba.
"Dito tayo!"hinila ako ni kenzo sa gawi kung saan madaming mga studyante ang nakikisuyo.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Sinong gumawa nito?
"Sino siya?"
"Diba siya yung hinahabol ng mga Red Evil?"
Natigilan ako sa pagtatakbo ganon rin si ken nung marinig ang mga nag bubulong bulungang studyante!
Red Evil...White Evil..
"Miss anong nangyari?"tanong ni Kenzo sa babaeng may salamin na ngayon ay umiiyak na at takot na takot.
"Nag sisimula na naman sila"wala sa sarling sambit ng babae.kumunot ang noo ko at sinulyapan si ken.na parang may gustong malaman.
"Sino?"nanlumong tanong ko.
"Ang mga killer!"nagulat ako nung bigla nalang siyang sumigaw at malakas na tumatawa.
"Humanda kayo HAHA!!"dagdag niya habang tumatawa ng nakakatakot.dahilan para kilabutan ako.sinundan namin ng tingin ang tinuro ng babaeng hanggang ngayon ay tumatawa parin.
Lumapit kami sa mga studyanteng napatakip sa kanilang sariling ilong.
"O My Gosh!"napatakip ako sa baba ko at nanlaki ang mga mata sa nakita.hinagod ni kenzo ang likod ko.
"Sinong may gawa nito?"nalilitong tanong ni kenzo sa sarili.
Nakahandusay ang babaeng naka uniporme at gulong gulong ang buhok,puno ng dugo ang katawan,laglag ang dila sa sahig,pero dilat ang mga mata habang nakatingin sa kawalan.pero nasisiguro kong patay na ito.Bali na ang mga buto at mabaho.baka ito ang sinasabi kanina nila Geo na humihingi ng tulong.

YOU ARE READING
One Night Hell (ON-GOING)
RandomIsang gabing puno ng lagim,Isang gabing puno ng kababalaghan,Isang gabing puno ng patayan,Isang gabing madami ang namamatay,..at Isang gabing puno ng katanungan... Meet Ken Marquez ang lalaking boyfriend ni Criza Hale na walang ibang minahal kundi s...