VOTE BEFORE YOU READ<3
ZOE'S POV
RAMDAM kong may yumugyug sa akin.Sobrang sakit ng dibdib ko na parang may humaharang sa lalamunan ko.narinig ko ang sariling pangalan ko at alam kong may tumatawag sa akin.Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nag alalang tingin.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tuwing maisip kong ano pa ang kasunod nito.Alam kong hindi pa ito ang totoong laban.Alam kong mas mapanganib ang aming haharapin,nalulungkot ako sa twing maisip ko ang mangyayari sa amin.Ngayon palang ay nag sisisi na ako kung bakit kopa sila isinama rito.
"Zoe"nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang pangalan ko."Zoe okay ka lang?"nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at si Ashly lang pala.
"Okay kana?"ulit pa niya pero hindi muna ako nagsalita.pilit kong inaalala ang mga nangyayari kagabi pero parang may pumipigil sa akin na hindi kona sana maalala iyun.Napabalingkawas ako ng bangon at nag palingon lingon sa paligid.nasa kwarto ako.Ramdam kong nagulat rin si ashly sa inasta ko.
"Zoe bakit?"
"Asan sina kenzo?"halos maiyak kong sabi.
"Nasa paaralan"sabi niya dahilan para kabahan ako at napagtantong umaga na pala.Malamang na nasa paaralan na iyun.
"Ikaw bakit hindi ka pumasok?"
"Binabantayan lang kita"
"Kailangan pa ba yun?"hindi ko alam kasi kinakabahan ako sa kanya.
"Oo"tipid nitong sagot.Kumunot lalo ang noo ko.Para kasing may kakaiba sa kanya.Kilala ko si ashly matatakutin yun.Hindi yun magpaiwan ng mag isa.Pero bakit ngayon siya lang mag isang binantayan ako?.Kung si ashly ang nagbantay sakin dito malamang sa malamang ay nandito rin si Geo kasi hindi niya hahayaang mag isa si ashly.pero ano to?
"May sumasagabal ba sa iyung isipan?"muling tanong niya.nilingon ko siya at kinunutan ng noo
"Sabihin mo sa akin Zoe,May sumasagabal ba sa iyung isipan?"Mukang tama nga ako.Hindi nga si Ashly to.Hindi ganyan magsalita si Ashly.pero sinong kaharap ko? Imposibleng may gumaya sa kanya? Sino siya?.
"S-sino ka?"kinakabahang sabi ko.Tumayo ang balahibo ko sa batok nung ngumisi siya.
"Si Ashly? Bakit? May problema kaba Zoe? Marahil ay nahihilo kapa--"
"H-hindi! Hindi ikaw si Ashly!"sobrang kaba kona ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin lalo na't nahihilo pa ako.Punyemas!.
Tumawa siya at kumunot ang noo ko nang mapagtantong ang tawa ni Ashly ay kuhang kuha niya.Iba lang kanina.Ganito ang Ashly'ng nakilala ko.
"Pinagsasabi mo Zoe?"natatawang sabi niya kaya umiling nalang ako."Ako to si Ashly,Ako ang nagbabantay sayo"dagdag niya pa.Pero may mali parin eh.pinipilit niya talagang maging Ashly.
"Ah haha!"kunyaring tawa ko.Halatang nakahinga naman siya ng maluwag.Wala akong magawa kundi ang makisabay nalang rin.
"Kumain kana?"nakangiting sabi ko.
"Hmm"umiling siya"Hindi pa,Kain tayo?"ngumiti rin siya.Pero hindi yung ngiting palaging nakikita ko kay ashly.
Tumango ako"Sige"Kunyaring masayang sabi ko at tumayo.nakangiting hinila ko ang kamay niya papalabas ng kwarto.Pero hindi ko parin maiwasan ang kabahan.Lalo na't kami lang dalawa ang nandito.
"Anong gusto mo?"nakangiting ani ko pag dating sa kusina.
"Hmmm..hotdong and egg"nakangiting aniya.
Ngumiti ako na parang masaya pero sa loob loob ko nagdududa na ako"Wow! Sarap no'n ah? Favorite mo?"natawang kunyaring sabi ko.
"Yup! Super"sabi niya at tinalikuran ako.kumuha siya ng dalawang plate.Tumalikod ako at humarap sa ref.Don na nawala ang ngiti sa labi ko.I knew it! Hindi siya si Ashly.Kasi si Ashly ay favorite niya ang adobo lalo na kapag ako ang may gawa.Pero itong kasama ko ay hotdog at egg? Hindi nga mahilig si Ash sa egg eh.
Napalunok na tinapos ko ang pagluluto at nilagyan siya ng hotdog at egg sa plate niya.
"Thanks!"sabi niya sabay subo ng pagkain.
Nanginginig na sumubo rin ako ng pagkain.Walang tigil ang pagsulyap ko sa kanya sa tuwing susubo ako.baka kasi bigla bigla nalang siyang aatake pag hindi ako makahanda.
***
"Papasok ka?"Tanong niya pagkatapos kung maligo.Pinunasan ko muna ang buhok at nakangiting tumango.
"Ikaw? Hindi kaba papasok?"tanong ko kahit may alam na ako.
Matagal siyang nakasagot.Baka nag iisip pa siya kung ano ang tamang isagot.
"Hmmm? Ah! Susunod nalang ako,mauna kana"nakangiting aniya at tumayo.Pumasok siya sa kusina na walang pasabi.Tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo.Ano naman ang gagawin niya sa kusina? Bumuga ako ng malakas na hangin at sumilip doon.Nanlaki ang mga mata ko nung makitang nagpalit siya ng anyo!Anyo? Ano ba siya?.
Kinabahan ako nung dahan dahan siyang nilingon ako kaya nagawa kong tumakbo papunta sa sala ng walang bakas na ingay.
"May problema ba?"kunyaring tanong ko at kinuha ang bag.
Naging Ashly na naman siya."Wala naman"sabi niya.nagsalin siya ng tubig at nilagok iyun.Napalunok na humarap ako sa salamin at hinaplos ang buhok ko.nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko siya makita sa salamin.agad na hinarap ko siya at uminom parin siya ng tubig.Muli kong hinarap ang salamin kinabahan ng hindi ko siya masilayan doon.
"May problema ba?"kinalibutan ako nung may nagsalita sa likod ko.ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko..
To be continued..
VOTE AND COMMENT!!<3
YOU ARE READING
One Night Hell (ON-GOING)
De TodoIsang gabing puno ng lagim,Isang gabing puno ng kababalaghan,Isang gabing puno ng patayan,Isang gabing madami ang namamatay,..at Isang gabing puno ng katanungan... Meet Ken Marquez ang lalaking boyfriend ni Criza Hale na walang ibang minahal kundi s...