Chapter 11:Pangamba

0 0 0
                                    



VOTE AND COMMENT<3


CRIZA'S POV


"GUYS pagdating natin don huwag niyong ipakita na natatakot kayo,dahil iyun ang kanilang punterya"pag papaalala ni ken.

"Bakit? ano bang mangyayari mamaya?"walang alam na ani Ash.

"Naniniguro lang,baka kasi may gagawin silang masama,..Ash"binalingan ni Zoe si Ash"Alam nating mali tong pinasukan natin,pero sana lakasan natin ang loob natin,lalo na ngayon na walang ibang makaligtas satin kundi ang ating sarili"Ngumiti siya para palakasin ang loob ni Ash.

"Tara na"Nagsitayuan kami at kinuha ang mga gamit.hindi ko mapigilan ang kabahan,kahit nga nasa loob kami ng apartment ay aaminin kong hindi ako makakatulog ng maayos,palagi nalang dilat ang mga mata ko,nitong nakaraang araw ay marami akong napansin sa paligid pero hindi ko yun pinansin baka mapahamak lang ako

*****

"DIba Section A and B lang ang pupunta dito? bakit  may ibang studyante ang nandito?"kunot noong ani Geo.nagtaka rin ako kung bakit parang ang dami naman ata ng section b?

"Guys bilisan natin,may nagmamanman sa bawat kilos natin"seryusong sambit ni Zoe,napatingin kaming apat sa kanya"At tsaka iwasan niyo rin ang paghihinala sa kanila,baka may makarinig sa inyo"dagdag niya pa.wala na kaming magawa kundi ang sumang ayon nalang rin.

Maya maya lang ay unti unting umingay ang paligid,madaming studyante ang bakas sa kanilang pamumukha ang takot at pangamba,

"Anong meron?"tanong ko.

walang sumagot,alam kong wala rin silang alam.

"Guys"nilingon namin si Ash na ang paningin ay nasa nakumumpulang studyante

"tingnan natin"sabi ko at pumunta kami ron.

Kumunot ang noo ko nung mapansin ang panahong nagdidilim,kahit umaga palang..

Hindi pa man kami nakakalapit don ay narinig na namin ang iyak ng iba.

"bakit hindi nalang nila ako pinatay?"napahinto ako at nilingon ang nagsasalita.binalingan ko muna sina ken na nakihalubilo na sa iba

"M-may sinasabi ka?"napalunok na tanong ko.tumungin siya sakin at halata sa kanya ang kawalang pag asa.

"Alam mobang matagal na ako dito?"tanong niya pero umiling lang ako."Lahat ng nangyayari dito ay nasaksihan ko"serYusong aniya.pero may halong takot

BAKA MAY ALAM SIYA

"Pansin  niyo bang may umaaligid sa inyo?"muling tanong niya.umiling ako,wala naman akong napansing may umaaligid sa amin--O MY! Oo nga meron! nitong mga nakaraang araw ay may napapansin ako! baka iyun ang tinutukoy niya!

"May umaaligid na nilalang rito,kilala moba siya?"sa totoo lang gusto ko ng sapakin tong kaharap ko,kita muna naman na bago lang kami rito tinatanong pa ako!

"Siya si Demonshin"sabi niya at ngumisi.

"A-ah yun ba?"nakisabay nalang rin ako,sobrang weird kasi niya parang nakadrugs.

"S-sino ka nga pala?"tanong ko.

"Ako si demonshin!! haha!"napaatras ako dahil sa nakakatakot na aura niya.

"AKO SI DEMONSHIN HAHA!"paulit ulit niyang sinasabi yun.weird

"Hayaan mo siya,baliw yan,pero mag iingat ka sa kanya,lalo na't kaya niyang gayahin ang mukha mo"halos mapasigaw ako ng may bumulong sa akin.pagtingin ko ay napamilyar sa akin ang mukha niya classmate ko to

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Night Hell (ON-GOING)Where stories live. Discover now