Chapter 6:Explain

0 0 0
                                    


VOTE AND COMMENT!!!>

SHORT CHAPTER SORRY!

ZOE'S POV

"Sure kabang si Ate Caze Matt yun?"naguguluhang sambit ni kenzo.siya nga pala nasa apartment na kami ngayon.Gabi narin kasi at natutulog na ang tatlo sa kwarto.kami nalang dito ni kenzo sa sala.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko.

"Oo iyun ang narinig ko"paniniguro ko.

"Kung ganon, pano siya nakaligtas?"tanong niya na ikinatigil ko.sandali pa akong natigilan at iniisip kong paano nga ba.Ang akala ko pati siya ay namatay narin? Akala ko ako lang ang natirang buhay sa pamilya namin.Kung ganon kailangan kong gumawa ng paraan para matulungan ko siya.

"Kailangan natin siyang hanapin,kailangan natin siyang tulungan sa mas lalong madaling panahon,baka hindi na natin siya maabutan ng buhay"mahabang lantaya niya.Tango lang ang naisagot ko.dahil sa dami ng iniisip ko simula pa kanina.

"Wala na ba talagang ibang paraan para makaalis tayo dito?"nilingon ko siya dahil sa tanong niyang iyun.Hindi ko sinabi sa kanya niya na kailangan kong paibigin si Zaicruz.dahil siya lang ang makakatulong sa amin.

"Hindi ko alam"nanlumong sagot ko.

"Pero pano na? Ano ng gagawin natin?"nalilitong sambit niya.

"Nakalimutan mona ba na kaya nga tayo nandito ay dahil dito!"pasigaw na bulong ko.natigilan naman siya at parang unti unti naman niyang nauunawaan iyun.

"Pero pano na sina criza?"nag aalalang aniya.

Mahal na nga niya talaga si criza...

"Iyun din ang iniisip ko"nag iwas ako ng tingin sa kanya."Kailangan natin silang bantayan,hindi dapat sila madamay sa gulong ito,nandito sila para mag aral hindi ang.."hindi ko nalang tinapos ang sasabihin ko dahil baka may makarinig sa amin.

Huminga naman siya ng malalim.Sinimulan naming mag plano ngayon ni kenzo.At sumang ayon naman siya.Plinanuhan namin kung saan namin matatagpuan ang mga taong dinala nila.pero paano? Paano namin iyun malalaman?.

"Mag mamanman nalang tayo,kay zaicruz.."sandali siyang matigilan sa sinabi niya nang marinig ang pangalan.at napalunok.

"Bakit?"nagtatakang tanong ko.

"Parang pamilyar kasi sakin ang pangalang Zaicruz"napakamot siya sa batok niya na parang naghihinayang dahil sa nakalimutan.

"Ako nga din eh"wala sa sariling sambit ko"Hindi mona yan ang uunahin natin..Ang importante ngayon ay kailangan nating malaman kong sino o ano ba talaga sila.Kung saan nila dinala si Caze Matt--"

"What the hell Zoe?!!"sabay kaming napatayo ni kenzo at nilingon kung sino ang sumigaw sa amin.boses iyun ni criza.nasa tapat sila ng pinto.

"Anong tong naririnig namin?!!"sigaw ni criza.Natigilan ako.at nagsimula na namang kabahan.

"Totoo ba?"hindi makapaniwalang sabat ni ash.

"Kindly Explain"dismayang sambit ni geo.

Narinig nila ang lahat ng pinag usapan namin ni kenzo? Kanina pa sila diyan? Bakit hindi ko napansin agad?.nanlumo ako at nilingon si ken na ganon din ang reaksyon kagaya ko.

"Pasensya na--"

"E explain niyo nga!!"putol na sigaw ni criza sa sasabihin ko.

"What the fvck Criza! wag kang sumigaw!"pabulong nasigaw ni kenzo at nilingon ang pinto..

"At ikaw pa talaga ang may sabi niyan!?"sarkastikong sagot nito.

"C-criza,Ash,Geo..pasensya na"nanlumong sambit ko.

"Yun lang?!"sigaw na naman ni criza.

"Babe come here"lumapit si ken kay criza at inalalayang maupo sa sofa.seninyasan niya ang dalawang nakatunganga parin.

"Pasensya na talaga,lahat ng naririnig niyo ay totoo"panimula ni ken.nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin.Pero nanatili parin akong nakatayo samantalang sila ay parehong nakaupo sa sofa.

"Sino yung narinig naming pangalan? Caze Matt, right?"sarkastikong tanong ni criza.

"Hindi ako sigurado,pero kapangalan niya yung ate ko,at pareho kami ng apelyedo"napalunok na sambit ko.natigilan naman siya.

"Sinong tinutukoy mo?"tanong niya ulit.

"Yung babae kahapon,yung humihingi ng pakiusap kay Zaicruz"hindi ko alam kung tama ba yung pagka explain ko.

"Pano mo nalaman?"

"Sinundan ko kasi sila"

"At ano namang kaganapan dito sa cavite?"tanong na naman niya.

"Criza,tama na muna yang mga tanong na yan,pareho tayong nanganganib ngayon,hindi namin sinasadyang pati kayo ay madamay!"pasigaw na bulong ni kenzo.

"So,sinama niyo pa talaga kami dito para mamatay?! Huh!?"sigaw ni criza.

"C-Criza hindi ganon"malapit ng bumagsak ang luha ko."Please criza,I-I'm sorry,Geo,ash"pakiusap na baling ko sa dalawa habang ipinagdigkit ang parehong palad.

"Hindi namin sadyang madamay kayo"

"Ano na naman yan?!"sigaw ni Criza kay ken.

"Babe listen,let me explain okay? Just calm down,babe"nahihirapang sambit ni ken.huminga naman ng malalim si criza.Pero ang dalawa ay nanatili paring nakikinig hindi nagsasalita.

"Kaya namin kayo isinama dito eh kasi diba gusto niyong makapag tapos ng pag aaral,pero maniwala kayo hindi ganito ang inaasahan naming mangyari,babe,Ash,geo"pag sumamo ni ken..pinipilit niyang ipinapaintindi sa kanila.

Mukang nauunawaan naman iyun nila dahil iyun din ang gusto nila pero hindi ito ang inaasahan nilang mangyari.

"I'm sorr--"

"Shhh,it's okay babe"pagputol ni ken.At niyakap si criza.hindi ko alam kung bakit paba ako makaramdam ng kirot.

"Sorry.."sambit ni ash at napatakip sa bibig para pigilan ang emosyon niya.Ganon din si geo tumango lang siya sa amin.

"Sa ngayon ang kailangan mona nating gawin ay ang mag ingat"pag papaalala ni ken.sumang ayun naman ang lahat.

NANG MAY BIGLA NALANG MAY MALAKAS NA PWERSA ANG KUMALABOG SA LABAS!!

To be continued..

THANKS FOR READING!!!

VOTE AND COMMENT!!

SORRY FOR SUPER SHORT UPDATE!!

One Night Hell (ON-GOING)Where stories live. Discover now