VOTE AMD COMMENT<3
ZOE'S POV
"May problema ba?"kinalibutan ako nung may biglang bumulong sa akin.ramdam ako ang panginginig ng katawan.
Napatikhim ako"W-wala naman"kinakabahang sambit ko.
"Ba't ka nauutal?"
"H-huh?"
"Ba't ka kinakabahan?"
Mas lalong dumoble ang kaba ako."H-hindi naman ako kinakabahan"
"Ba't ka nanginginig?"shit! Nakakatakot talaga siya.
"A-Ashly"sambit ko sa pangalan niya."P-pasok na ako"Hinarap ko siya at bahagyang napaatras ng bumungad sa akin ang ibang hitsura!.May ugat ang noo niya! namumula ang mata! Humahangos na ilong! At nakangising labi!.Napagtanto kong isa itong halimaw!
"Sinong Ashly?"nakakatakot rin ang boses niya.
"S-sino ka?!"kinakabahan na ako.Parang maiiyak na naman ako nito!
"Ako si Demonshin!"napapikit ako bigla nung bahagyang tumaas ang boses niya."AKO SI DEMONSHIN!HAHA!"nanginginig na ako sa takot.paulit ulit niyang sinasambit ang pangalan niya.
"AKO SI DEMONSHIN HAHA!!"
"AKO SI DEMONSHIN HAHA!!"
Shit hindi ko talaga kayang marinig ang boses niya.parang santanas na tumatawa.
"AKO SI DEMOSHIN HAH--"
"TUMAHIMIK KA!"gigil na sigaw dahilan para ngumisi siya.
"Tama nga ang hinala ko haha!"kinabahan ako.Anong hinala?.
"Anong pinagsasa--"
"Ikaw!"napalunok ako nung ituro niya ako."Run for your life HAHA!"muli,paulit ulit na naman niyang sinabi iyun.yung paa ko gusto ng tumakbo pero parang hindi nakisama ang katawan ko.parang nabibigatan ako sa katawan ko.ito ang ayaw ko sa lahat...yung gusto mo ng tumakas pero hindi mo magawa dahil ayaw makisama ng katawan mo.yung feeling mo nakatakbo kana at malayo kana sa kanya pero hindi pa pala!.
"W-wag kang lalapit"pagbanta ko.
"Zoe..hmmm..parang kilala kita hija"tumango tangong aniya.At tumatawa na parang baliw.
Sino siya? Kilala niya ba ako? Pano niya nagaya ang mukha ni Ash? Teka--siya yung lalaki kahapon sa bintana! Shit! Siya yung kumontrol kay Kenzo!.pano niya nagawa yun?.Simula nong pumasok ako sa lugar na to ay marami ng nabuong katanungan sa isip ko.
"Anak ka ng Pamilyang Mat--"
Ito na nga bang sunasabi ko!
"Hindi! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!hindi ako si Zoe! Ako si Maya!"sinasabi ko yun ng nauutal.hindi ko alam kong naiintindihan niya ba talaga yun.
"Maya"sambit niya at mas lalong ngumisi.Tumalikod siya saglit at ito na yata ang pagkakataong tatakas ako.
Bumuga ako ng hangin at mabilis na tinulak ko siya at parang hindi man lang siya nakaramdam ng sakit.
"Run for your life!"hindi niya pa natapos iyun dahil lumabas na ako ng apartment.Narinig kopa ang nakakakilabot niyang tawa habang binibigkas ang pangalang 'Maya'
****
"Zoe!"nag alalang tawag sa akin nina Kenzo pagdating ko sa paaralan.Wala akong paki kung ano man ang hitsura ko.
"Zoe okay ka lang?"
"O-Oo okay lang ako! Hindi ako napagod kakatakbo! Hindi ako natakot! Bwisit na tanong yan! "gigil na sigaw ko at nilingon si Ashly."kayo, kaya tatakbo dito habang takot na takot? Relax lang ba kayo? Hindi ba kayo napapagod?!"sarcastikong sambit ko at napasapo sa noo.
"Ikaw Ashly? Diba sabi mo susunod ka lang sa akin? Bakit ngayon ikaw pa ang nauna?"dagdag ko.kumunot naman ang noo niya.Alam kong wala siyang alam.Na truma lang yata ako.
"Huh? Sorrt Zo--"
"Sumula ngayon! Wala nang tatawag sa akin ng totoo kong pangalan"seryusong sambit ko at uminom ng tubig sa bote na ibinigay ni Criza.
"Pasensya na"Sabi ko nalang sa gitna ng katahimikan.wala pa bang Teacher?.
Hindi parin sila nagsasalita"Sorry na"halos maiyak na sambit ko.ang ayaw ko sa lahat ay yung sinadya ka lang huwag pansinin.
"Kami nga dapat ang mag sorry sa iyo"nilingon ko si Ash na bakas sa itsura ang takot.
Kumunot ang noo ko"Bakit?"taning ko.
Nagsitinginan naman silang apat at napabuntong hininga."Kami sana ni Ash ang babantay sayo pero napag isipan naming baka bukas kapa magigising dahil na bagok ang ulo mo sa mesa."panimula ni Geo kaya nilingon ko siya.
Kaya pala kamukha ni Ash ang nagbantay sa akin? Minamanmanan niya kaya kami??
"Paglabas namin ng bahay ay bumalik si Ash sa loob dahil may nakalimutan.Nagulat na nga lang kami dahil pagbalik niya ay sobrang putla na niya"dagdag niya.nilingon ko si ash na parang may inaalala
"Sabi niya nakakita raw siya ng kamukhang kamukha niya.At nakatitig sa iyo.Pero Zo--"
"Maya"sabi ko.
"Pero Maya hindi namin sinadyang iwan ka! Nagdadalawang isip kami kung ano ba ang dapat na gawin namin lalo nat hindi namin yun kilala"
Naiintindihan ko sila.Okay lang sakin yun total ako naman ang nagdala sa kanila dito..
To be continued..
VOTE AND COMMENT<3
THANKS FOR READING!!
![](https://img.wattpad.com/cover/262908223-288-k756579.jpg)
YOU ARE READING
One Night Hell (ON-GOING)
RandomIsang gabing puno ng lagim,Isang gabing puno ng kababalaghan,Isang gabing puno ng patayan,Isang gabing madami ang namamatay,..at Isang gabing puno ng katanungan... Meet Ken Marquez ang lalaking boyfriend ni Criza Hale na walang ibang minahal kundi s...