Sun 4

98 52 0
                                    

That interaction leads to our friendship. At least I can call him a friend now, even though we're still not close enough. Whenever there is a vacancy, we are together all the time. We hang out here under the tree, where I see him often.

Na-appreciate ko kung paano niya ako samahan kahit pa madalas ay natatahimik kaming dalawa at kuntento na lamang sa presensya ng isa't isa.

He is still too serious and stiff with me, but recently, I've observed that he's been attempting to be more talkative.

"Bebe girl! Labas tayo sa Saturday." Pag-aaya sa 'kin ni Bailey.

We're here in the auditorium at nasa may bandang likod kami naka-puwesto pero kita naman namin ang platform sa harapan.

Kamille, our president, is the representative for the music competition na gaganapin sa kabilang school.

Kabilang yata ang competition na ito sa mangyayaring sport fest. Wala pa namang announcement pero dahil kalat na sa school ay malamang totoo iyon.

Dapat nga ay rito na lang sa school gawin ang laban pero mas malaki raw kasi ang ma-a-accommodate ng kabila dahil main school iyon.

Bawat section ay may representative at ngayon ay magkakaroon ng audition para makapili kung sino ang ilalaban sa kanila.

"I'll try, Bailey." Nakangiti kong tugon sa kaniya.

Hindi ko naman kasi alam kung papayagan ako sa Saturday. Knowing my parents, for sure kung ano-ano na naman ang sasabihin sa 'kin.

Hindi na siya nakasagot dahil tinawag na ang babaeng nag-ngangalang Serene sa platform. Psychology student pala iyon na taga Section 3B.

Medyo sikat yata itong si Serene dahil pagka-akyat niya pa lang ay marami nang nag-cheer sa kaniya.

"Late na ba kami?" 

Agad na napabaling ang atensyon ko sa mga kaklase namin na mga bagong dating.

Nandito sila Lucas, Allyson, Britney, Kate, Kuya Jill, Kuya Enrique, Cymon at ang iba pa. Halos kumpleto na yata kami.

"Tama lang..." 

Napansin kong may bitbit pang banner si Lucas kaya naman natawa ako.

"Naks supportive classmate!" Puna ko ngunit nangunot ang noo ko nang makitang namula ito ngunit binalewala ko na lamang.

Nagsimula ng kumanta ang babae sa harapan. Masasabi kong maganda rin ang boses nito. Mahinhin at malambing na para bang may umaawit na anghel sa harapan namin.

"Shit! Una pa lang mukhang tagilid na si mare." Bulong-bulong ni Bailey sa gilid ko pero agad ko siyang siniko.

"Magaling 'yon si Kamille! Wala ka bang tiwala?" Ramdam ko kasi na si Kamille talaga ang makukuha rito.

Well, I'm not being biased, but Kamille is genuinely passionate about this.

"Waaah! Omg nandito si Veloso!"

"Syempre papanoorin niya si Serene."

"Buti na lang nanood din tayo rito."

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Sinubukan kong tingnan ang mga nasa likod ko at nakita ang dalawang babaeng naghaharutan.

Nandito si Sage?

Inilibot ko ang paningin para hanapin siya at hindi naman ako nabigo dahil matangkad ito.

Nasa banda siya ng mga speaker malapit sa stage at may suot siyang itim na headset na nakalagay lang sa kaniyang leeg.

He stood proudly and crossed his hands over his chest as I watched from where I was how he bit his bottom lip.

When the Sun FadesWhere stories live. Discover now