Noong araw na iyon, I saw how Kamille emotionally breakdown. Naalala ko pa kung paanong bumuhos ng sobra ang kaniyang mga luha. Naalala ko kung paanong hindi niya magawang tumingin sa aming mga mata.
Hindi siya nanalo.
Kahit third place ay hindi niya nakuha.
Hindi ko alam kung bakit nagkagano'n, nag practice naman siya ng todo. Ibinigay niya ang lahat, nag effort siya ng sobra kaya siguro sobrang nasaktan siya sa naging resulta.
Sobra niyang sinisisi ang sarili dahil dala-dala niya ang pangalan ng school namin.
I watched her performance though, masasabi kong may kulang nga talaga. Kakaiba siya sa stage at parang hindi siya iyong Kamille na pinapanood ko sa tuwing kumakanta. Para bang habang inaawitan niya kami noon ay may bumabagabag sa kaniya.
Ayokong isipin ang mga dahilan niyan dahil pakiramdam ko... hindi ko kakayanin.
Pagkapasok ko sa room ay sobrang tahimik. Hindi katulad dati na may sasalubong sa 'king ingay at gulo. Hindi ko alam kung bakit sila ganito pero sa tingin ko ay dahil kay Kamille.
Hinanap ko siya at nakita ko itong nakaupo lang sa dulo. Nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.
Bumuntong hininga ako bago lumapit sa kaniya.
Napansin kong wala pa si Bailey sa kaniyang upuan at hindi ko mapigilan na mapaisip kung bakit dahil hindi naman ito nali-late.
Late na nga ako ng sampung minuto pero wala pa rin ito? Kailangan ko rin pa lang umuwi sa bahay mamaya ng maaga dahil may ipakilala raw si ate Halsey. Wala na si Daddy sa bahay dahil lumipad na ito pa-cebu kaya naman medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko.
"Kamille, dinalhan kita ng—" Hindi na natapos ni Lucas ang kaniyang sasabihin dahil agad siyang sinamaan ng tingin ni Kamille.
Naguguluhang pinagmasdan ko sila. Anong nangyari sa kanilang dalawa?
"A-alam ko kasing hindi ka pa kumakain kaya—"
"Could you please stop bothering me?!" Nagulat ako sa pagtataas ng boses ni Kamille.
Maging ang mga kaklase namin ay bahagyang napaigtad sa boses niya. Nakikinig lang sila, nakikiramdam, kaya siguro sila mga tahimik.
Nakita ko kung paano dumapo ang sakit sa mga mata ni Lucas. Tumingin pa ito sa 'kin na para bang humihingi ng tulong kaya naman napabuntong hininga ako.
"Kamille, sige na wala ka pang kain, e. Magtatampo ako niyan, sige, alam mo naman na ayaw kong nalilipasan ka, 'di ba?" Panunuyo ko rito.
Nakita ko naman na bahagyang lumamlam ang mga mata niya sa 'kin. Nginitian ko siya pagkatapos ay ako na ang kumuha ng dalang pagkain ni Lucas at inilapag ito sa desk niya.
"Kainin mo 'yan, ha? Kapag 'di mo naubos, ibigay mo sa 'kin." I giggled at her and I can't help but to feel happy when she smiled at me.
Hindi siya puwedeng nalilipasan dahil may ulcer ito.
Lumingon ako kay Lucas at tumingin din ito sa 'kin bigla pagkatapos ay bahagyang bumuka ang kaniyang bibig pero walang lumabas na tinig.
He mouthed his 'thank you' to me before he proceeded to his assigned seat.
Ibinalik ko ulit ang tingin kay Kamille at napangiti nang makitang kumakain na ito.
Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin pero wala pa rin si Bailey.
Habang nagdidiscuss ang aming guro ay inilabas ko ang aking cellphone para itext si Bailey ngunit bumungad agad sa 'kin ang mga text ni Sage.
Sage:
Please reply to my text.
YOU ARE READING
When the Sun Fades
RomanceThey knew me as a brave woman, bold and fierce that no matter how hard the situation is I will not fall by the wayside- or so they thought? I became their super hero, their happy pill, stress reliever and shock absorber. With my glimmering eyes and...