Ang tanghaling araw ay tirik ngunit hindi naman ako naaapektuhan. Nakasuot kasi ako ng jacket kaya naman wala sa 'kin kung lumakad man ako sa ilalim ng araw.
Maybe everyone would think that I'm such a weirdo or calling me names because of my get up.
Hindi ko naman kasi sila masisisi. Sino nga bang tanga ang magsusuot lagi ng jacket sa tag araw? Ang dami ngang nagrereklamo na sobrang init daw sa pinas. May nakikita pa nga akong mga post at memes na para raw silang piniprito ng buhay o sinusunog na raw ang mga kaluluwa nila.
I shivered.
Ganito kaya ang pakiramdam kapag nasa impyerno? I suddenly choked at my thoughts.
Bakit ko ba naisip iyon?
"Where do you want to eat?" I glanced at Sage while he maneuvered the car.
Oo nga pala at ngayon ko lang nalaman na sobrang yaman pala ng taong ito. Imagine, ang ama niya ang isa sa pinakamayamang tao rito sa Batangas. Sila lang naman ang nagmamay-ari ng buong 5 star hotel at condominium sa Makati.
And his mother, ang nanay niya ay isang sikat na neurosurgeon sa ibang bansa!
Masyado akong nawindang, walang wala ang mga negosyo ng Alcantara sa pamilya nila. Medyo naiilang tuloy ako sa kaniya dahil sa nalaman.
"Hey, are you okay?" Nilingon niya ako at nag aalalang tinitigan.
Namula naman ako at agad na napailing.
"A-ah, may naisip lang. I want to eat sa Jollibee!" Ngumuso siya dahil sa sinabi ko pagkatapos ay bahagyang ngumiti.
"Childish." Napairap na lamang ako sa kaniya at hindi na siya pinansin.
"What were you thinking then?" Pahabol niya kaya naman napanguso ako.
"Mga bagay bagay lang."
"Like what?" He glanced at me for a second then shifted his eyes again on the road.
Ano ba naman iyan? Paano ko ba sasagutin?
"Wala lang. Hmm, what if masanay na ako sa ganito? Palagi mo na lang ako nililibre, e!" Pagbibiro ko.
Pero totoo naman iyon. Siya palagi ang gumagastos at hindi niya ako hinahayaan na maglabas kahit ni piso. Lagi na kaming ganito. Sabay kumakain, tuwing lunch at siya na talaga ang madalas kong kasama.
Panay tanong na nga sa'kin sila Bailey kung anong estado naming dalawa pero hindi ko naman kasi iyon mapangalanan.
Maging ako rin naman ay hindi alam kung ano bang meron sa 'min!
Pero siguro dapat na lang akong makuntento sa ganito. I mean, masaya naman, e. Masaya naman ako sa piling niya kahit pa wala akong pinanghahawakan pero aaminin ko na minsan nakakaramdam ako ng takot.
Takot ako kasi baka sa isang iglap ay mawala ang sayang nararamdaman ko. Dahil gano'n naman palagi, 'di ba? Hindi pang habang-buhay ang saya. Palagi kang babawian ng tadhana.
Kailan kaya tayo mapapanatag na maging masaya na walang iniisip na lungkot na hatid ng bukas?
"That's better," He smirked kaya naman napairap na lang ako.
That's better ka pa riyan, ha. What if ubusin ko lahat ng pera mo? Ewan ko na lang if masiyahan ka pa, Sage.
"We're here." Pinark na niya ang kaniyang BMW sa parking area noong makarating kami sa fastfood.
Tinanggal ko na ang aking seatbelt at hindi na siya hinintay na pag buksan ako ng pinto. Kusa na akong lumabas at hinintay siya.
"Wala ka bang klase mamaya?" Tanong ko. He pursed his lips before he answered me.
YOU ARE READING
When the Sun Fades
RomanceThey knew me as a brave woman, bold and fierce that no matter how hard the situation is I will not fall by the wayside- or so they thought? I became their super hero, their happy pill, stress reliever and shock absorber. With my glimmering eyes and...