Sun 3

119 55 0
                                    

Another tiring day! As usual late na naman ako dahil na-late rin ako ng gising. I couldn't sleep well because I was thinking too much.

"Lagi ka na lang tulog nang tulog, bebe!" Napamulagat ako at umayos ng upo nang marinig ang reklamo ni Bailey.

I scanned my eyes to look around and notice that we're only three inside our room.

"Where are the others?" Takang tanong ko sa kanila.

Kanina kasi ay pagkatapos ng first subject namin ay napag-pasyahan kong umidlip muna kahit saglit. Sobrang sakit kasi ng ulo ko at parang ilang minuto lang ay bibigay na ang mata ko. Kanina nga sa klase ay papikit-pikit ako.

"May program." My eyes widened at dali-dali kong inayos ang aking mga gamit.

"Ano?! Bakit nandito pa kayo? Hindi ninyo ako ginising? Baka may attendance roon!" I started to freak out but stopped when they started laughing.

"What the hell?" Pinagtitripan na naman ba nila ako?

"Allyson already signed us." Kams portrays a calmer than her usual demeanor.

"Oo nga, bebe, so you don't have to worry, okeh?" Napanguso ako dahil sa sinabi nila at bumalik sa pagkakaupo.

Even though I still want to sleep and am drowsy, I find it difficult to concentrate right now, especially after I noticed Bailey's neck's bruise.

"What happened to your neck? Bakit may sugat?" Agad naman itong namutla at dali-daling tinakpan ang balat na hinawakan ko.

His response caused my brows to furrow.

"Ano 'yan accla? Chikinini?!"

Tinapik ni Kamille ang kamay niya at pilit na inalis ito roon sa sugat na kaniyang tinatakpan.

"A-ano, wala 'to!" Kinakabahang saad sa 'min ni Bailey.

"Loko bakla! Para kang sinakal, ha!" Galit na boses ni Kamille.

Ang kaninang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi ay naglaho bigla. Maging ako ay napa-kunot noo nang makita sa malapitan ang nasa leeg ni Bailey.

May part na medyo nagiging violet na ang kulay na parang pasa at ilang gasgas sa kaniyang leeg.

"Who hurt you?" Bailey seems frightened, and I can't help but to feel enraged.

Not on Bailey, but rather on the person who assaulted him.

"Bailey, sagot!" Sigaw ni Kamille sa kaniya.

Dahil doon ay nakita ko kung paano umagos bigla ang mga luha sa mata ni Bailey kaya naman napapikit ako.

Ayokong makita na nasasaktan siya.

"M-my Dad." I gasped and clenched my fist.

Sabi na nga ba! Sumosobra na talaga ang tatay ni Bailey! Palagi na lang niya sinasaktan ang kaniyang anak.

Simula noong nalaman niya kung ano talaga si Bailey ay palagi na siya nitong sinasaktan.

Hindi naman kasalanan ni Bailey kung ito ang gusto niya, e. Alangan namang pigilan niya kung ano ang nararamdaman ng puso niya? Hindi porke't naiiba siya sa nakasanayan na kasarian ng iba ay dapat na nila itong maltratuhin, maliitin at hamakin!

"Gusto mo bang bugbugin ko na 'yang tatay mo?" Inis na saad ni Kamille sa kan'ya.

I let out a dejected sigh.

Wala naman akong magagawa, e. Wala kaming magagawa dahil tatay niya iyon. Kahit pa ayawan siya nito, pagbali-baliktarin man ang mundo tatay niya pa rin iyon.

When the Sun FadesWhere stories live. Discover now