"Dagona! Dagona! Dagona! Dagona!"
I laughed hard at my classmates, nagkakatulakan at siksikan na kami sa aming mga puwesto.
"Shet! Ang dami palang guwapo rito!" Tumitiling turan ni Britney at dahil kasing-landi niya si Bailey ay sabay silang nagharutan.
"Ang tagal mag simula!" Badtrip na saad ni Cymon habang nakatutok sa kaniyang cellphone.
May lakad pala siya ng tanghali at alas onse na ng umaga. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya badtrip. Ang tagal talaga magsimula ng laban. Kanina pa kaming alas-otso nandito pero hanggang ngayon wala pa ring sumasalang.
"Baka kabado na si Kams sa backstage!" Natatawang saad ni Allyson.
Dapat ay sasamahan ko siya sa backstage pero tumanggi siya at kaya na raw niya roon ng mag isa at para makapag-focus din siya sa huling pagpa-practice.
Hindi naman na ako tumanggi sa kaniya, kailangan ko rin kasing hintayin si Sage. Buti nga ay walang klase sa buong department kaya nandito rin ang ibang schoolmate namin.
"Nasaan si Luke?" Mahinang anas ni Bailey.
Inilibot ko ang paningin sa gilid ngunit wala akong Lucas na nakita kahit saan.
"Kanina nandito lang." Turan ni Alyssa.
My face turned pale. Ayoko man aminin pero may iisang idea na pumasok sa isip ko.
"Saglit... hahanapin ko lang." Nataranta agad ako sa sinabi ni Bailey.
"A-ako na ang maghahanap! Kailangan ka rito." Kinagat ko ang aking labi at napabuga na lamang ng hangin no'ng tumango siya.
Nagdalawang isip pa muna ako bago umalis doon hanggang sa napagpasyahan kong hanapin na si Lucas.
Nasa kaniya ang tarpaulin at kailangan na naming i-ere iyon bago pa magsimula.
Tinahak ko ulit ang daan papunta sa may backstage at hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa nilalakaran ko. Totoo nga! Malaki ang school na 'to kaysa sa school namin at mas mataas ang mga building ng bawat dept.
Naramdaman ko bigla ang pag-vibrate ng phone ko.
Nanginginig na kinuha ko ang aking cellphone at tinipa ko ang password bago binasa ang text.
Sage:
I'm sorry, I can't make it today.Napanguso ako sa tinext niya at nag reply.
Me:
Why? Did something happened?I waited for his reply but I got none.
Hindi ko namalayan na sa sobrang focus ko sa pag-aabang ng mensahe niya ay may nakabangga ako.
Oh shoot!
Sabay naming pinulot ang mga folders at papers na nahulog sa lupa.
"Sorry po, sorry!" Natataranta ako at medyo guilty dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan.
Narinig ko na tumawa siya kaya nang inangat ko ang paningin ay sandali akong natigilan.
His mariner-blue eyes were orb round and darted at me with a hint of familiarity. They were a flicker with curiosity over his genial smile as he looked at me.
May lahi ba ito? Pero bakit ganito ito kung makatitig sa akin?
"A-ahm, sorry po, kuya." Agad kong iniabot sa kaniya ang mga papel at folder na napulot.
"Ayos lang 'yon, Miss—?" He paused.
Hindi madugtungan ang sinasabi. Sandaling kumunot ang noo ko bago nagsalita.
YOU ARE READING
When the Sun Fades
RomanceThey knew me as a brave woman, bold and fierce that no matter how hard the situation is I will not fall by the wayside- or so they thought? I became their super hero, their happy pill, stress reliever and shock absorber. With my glimmering eyes and...