"Where are the others?"
Alas-onse pa lang ng umaga ay nakarating na ako sa napag-usapan naming place para magkita-kita.
May mga van na rin na siyang sasakyan namin para makarating sa resort. Kaunti pa lamang kaming nandito at wala pa ang iba. Ang usapan ay 12:00 pm dapat nandito na lahat ngunit mukhang may mga mali-late pa.
"Si Britney may lakad 'di makakasama." Aivy plainly said.
I smiled at her and just nodded before I looked away.
Even if she's Britney's bestfriend, hindi ko pa rin makuha na makipag-close sa kaniya. Not because she's bad or what, ha. Actually, she is a good listener at sa ilang taon naming pagiging magkaklase ay masasabi kong puwede mo siya mapag-sabihan ng problema.
I just can't get close to her because I think she can read me easily.
"Si Drex may sakit!"
"Mayi texted me. May duty siya"
At dahil wala pa ang president namin na si Kamille ay si Allyson muna ang nag asikaso sa 'min.
Well, she's the secretary and I think si West ang vp kahit pa hindi naman madalas kailangan ang presensya nito when it comes on handling our section. Ewan ko kung bakit si Kamille at Allyson palagi.
And iyon na nga, lahat yata sa contacts ni Allyson na may number ng classmate namin ay tinawagan niya para manghingi ng update.
May iba pala sa 'min na hindi makakasama dahil sa iba't-ibang rason. Sabagay, masyadong rush itong swimming namin. Sobrang biglaan hindi naiplano. Pero sabi nga nila 'di ba? Mas natutuloy kapag hindi napag-hahandaan ang outing! 'Yan tuloy sa kakaplano ng iba, nagiging drawing ang outing nila.
"Gosh! Sorry, I'm late." Lumapit sa 'min si Bailey na naka-pajama pa! Halatang bagong gising lang ito.
Halos matawa ako sa itsura niya. Gulong-gulo pa ang buhok at halatang nagmadali lang para makapunta rito. Siya pa naman ang pinaka-excited sa outing ngayon tapos siya pa itong nalate!
"Anong nangyari sa 'yo?" Sumimangot naman ito sa 'kin lalo pa nang makita niya ang mukha kong natatawa.
Ang cute ng pajama ni Bailey ben10!
"Woa, si four arms!" Dinig kong asar ni Lucas kay Bailey kaya naman natawa ako lalo.
"Letse kayo!" He snorted. "Traffic kingina late na nga ako nagising." He added.
"Bakit kasi late? Hindi ka ba nakatulog sa sobrang excited?" Natatawa pa ring tanong ko ngunit ngumisi lamang si Bailey.
"Busy ako kaka-stalk kagabi! Dami kong nakitang ulam sarap lumafang." Dumila pa ito na animoy natatakam kaya naman nginiwian at tinulak ko na siya.
Nilagay na niya ang gamit niya sa sasakyan habang ako ay nanatili sa labas. Dahil walang magawa ay pinili ko na lamang na mag head-count.
Puro mga lalaki pa pala ang nandito at kaunti pa lamang ang mga babae.
"17 pa lang tayo." I said out of nowhere.
Allyson looked at me then she scribbled something on her pad.
"Alright! Tatlo na lang ang kulang at lima ang hindi makakasama." Napanguso ako sa tinuran niya at inilabas ang cellphone.
Till now wala pa rin si Kamille. Late rin ang ate ninyo.
To Kams:
San na u?
Natawa pa muna ako bago isend ang tinext ko sa kan'ya.
Ayaw na ayaw kasi ni Kamille sa gano'ng way ng pagtetext. Naiirita raw siya at naiinis kapag nakikita niyang kulang-kulang ang letra at pinaikli.
Bukod sa para raw itong nanay niya ang jeje rin daw ng dating.
YOU ARE READING
When the Sun Fades
RomanceThey knew me as a brave woman, bold and fierce that no matter how hard the situation is I will not fall by the wayside- or so they thought? I became their super hero, their happy pill, stress reliever and shock absorber. With my glimmering eyes and...