Biglang huminto ang pag-ikot ng malaking ceiling fan sa living room. Ganoon na lamang ang takot ang naramdaman ni Amelia habang nasa ceiling fan. “This is not gonna happened! Open the generator, now!” bulyaw nito sa kung sino man ang inuutusan. Tumayo ito at lumapit sa drawer kung saan kumuha siya ng kurintay singkong baril.
Nasa isang tabi lamang si Irish habang pinapanuod ang mga nagaganap. Umatras siya nang makita si Amelia na may hawak na baril. Lumapit ito sa nakasirado na pintuan at Bago pa ito makalabas napigilan na ito ni Redeemer.
“Mom, huwag!” pigil ni Redeemer na nasa gitna ng hagdanan. Dali itong bumaba at kinuha ang baril na hawak ng kanyang ina. “Mommy, please... Huwag ka nang lumabas! Masyadong dilikado.”
“Pero kailangan kitang protektahan...”ani Amelia.
“Pero pwede kang malagay sa kapahama—”
Naputol ang sasabihin ni Redeemer nang bumukas ang pintuan at pumasok dito ang isang armado sabay tutok ng baril sa mag-ina.
“Bitawan mo ang baril mo!” mando ng armado kay Redeemer.
Biglang inagaw ni Amelia ang baril na hawak ng kaniyang anak. At marahas nitong itinutok sa nasa harapan nila na kalaban. Pumulupot si Redeemer sa baywang ina. Sinusubukan nitong iligtas si Amelia sa possible na mangyayari.
“Ano bang kailangan n'yo? Pera ba? Ibibigay namin kahit magkano,” Offer ni Redeemer sa Armado.
Napataas-kamay si Irish nang dumako ang paningin ng armado sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mag-ina habang umaarte na umiiyak. Huminto siya sa likuran ni Amelia.
“Hindi pera ang kailangan namin. Kayo ang kailangan namin!” sagot ng armado. Mas dumiin ang pagtutok nito ng baril sa mag-ina. Parang nagbabanta na kaya nitong kalabitin ang gatilyo.
Pabiglang sinugod ni Redeemer ang armado. Dali ring kinuha ni Irish ang vase na nasa pinakamalapit at pinukpok niya ito sa ulo ng armado kaya ito natumba sa sahig.
“Redeemer iakyat mo sa taas mama mo,” utos ni Irish sabay ang pagkuha ng baril na nabitawan ng armado.
“Paano ka?” tanong ni Redeemer.
“Don‘t worry, may hawak akong baril,” sagot ni Irish. “Sige na.”
Daling sumunod si Redeemer. Inakyat niya ang kanyang ina tulad ng utos ni Irish. Nang makaalis na ang mga ito, itinapon ni Irish ang hawak niyang baril sa kung saan. Ngumisi siya habang nakatitig sa armado na kasalukuyang nakatayo.
“Sino ka!?” tanong nito habang nakahawak sa ulo.
Hindi sumagot si Irish. Ekperto niyang sinipa sa sikmura ang armado kaya ulit itong nabulagta sa sahig. She smirked again showing that she can do more than kick. Bahagya siyang umupo sa gilid ng armado at pinaulanan niya ng suntok ang mukha nito.
PAGKATAPOS ng pagsisiyasat ng mga pulis sa tahanan ng mga Villarica... nagpasya na agad si Irish na umalis. At dahil nag-aalala si Redeemer sa kaligtasan nito napagpasyahan na lamang nitong ihatid ang dalaga. Hindi rin naman ito tumanggi.Redeemer looked in the side mirror to see his two bodyguards riding in Irish's car. Ibinalik rin niya agad ang kanyang paningin sa harapan. “Paano mo pala natalo ang lalaki kanina? Napatay siya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/259339491-288-k748042.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Heartbeat
Romance|UNDER REVISION| As daughter of Stanley Silvana, the most challenging role in life for Irish Fhrixe Silvana is to become an exceptional, skilled assassin - to kill and be killed, a role she must play to be acknowledged as his daughter. From intense...