kabanata 8

186 21 3
                                    

Hi! I hope you can support ASSASSIN'S HEARTBEAT recommending this story in your Facebook, group chats, tiktok, or your any other social media accounts. Maraming salamat po.


HALOS nahalughog na ni Redeemer ang buong mansyon pero hindi niya nahagilap ang ate Elara niya. Tumunog ang cellphone niya. Napahinto siya sa gitna ng hagdanan at dinukot ang cellphone sq bulsa at binasa ang mensaheng natanggap.

Unknown number: You're Redeemer Villarica, right? Ang kapatid mo na si Elara ay nasa Meadowsweet bar. Hurry! baka hindi mo na siya makikitang buhay.

"Dad! Alam ko na kung nasaan siya!" Halos talunin niya ang pagbaba ng hagdanan, papunta sa living room.

"Bakit?! Nasaan siya?" Tanong ni Luksurio.

"Dad, nasa bar siya. Kailangan ko siyang kunin." Hindi na siya nagpaalam. Nagpunta agad siya sa kotse at pinatakbo ito. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya mabilis siyang nakarating sa bar na tinutukoy sa mesage.

Patakbong pumasok si Redeemer sa bar at agad hinanap si Elara. Umaasa siya na sana'y hindi pa siya huli. At nang makita niya ito lupaypag na ito sa kalasingan pero may hawak pa rin itong baso.

"Ate, tama na yan. Halatang marami ka ng nainom." Inagaw ni Redeemer ang basong nasa kamay ng kapatid. Hindi pa sana nito ibibigay pero naagaw niya ito.

Tumingala si Elara sa mukhang ng kapatid habang papiyuk-piyok ang mga mata "N-no, give it back. I'm just enjoying my boring life. Kung mamamatay man ako kagaya ni mom dahil sa naging kalaban ni dad gusto ko masaya." Pilit niyang inabot ang kamay ni Redeemer na may hawak sa wine glass.

"Ate, Tama na... Kailangan na tayong umuwi, subrang nag-aalala na si dad sa'yo." Inalalayan ni Redeemer itong tumayo at pilit na pinahakbang.

"You all... are just over acting! Look at me, buo pa rin ako. Walang nawala na parte ng katawan. Please, my little fake brother, magsaya muna tayo."

Umawang ang mga labi ni Redeemee dahil sa gulat nang marinig ang naging mga huling salita ni Elara. My little fake brother? Tanong ng kanyang isip. Hindi niya ito binigyan ng ibang kahulugan. Basta ang ina-alala niya ay ang maalis ang kapatid sa lugar.

NAKAHIGA si Francia sa gitna ng kama nang biglang may kumatok sa pintuan ng kuwartong kinaruruon niya. Umupo siya sa gitna ng kama habang hinintay na pumasok ang taong nasa labas.

Tumayo si Gregorio sa harapan ni Francia. "Ms. Francia, nakauwi na po siya," ulat niya.

Mula umpisa binabalitaan na siya ni Gregorio tungkol sa mga pinapagawa ni Irish sa kanya. At kahit nagtatrabaho siya para kay Irish alam niyang nasa kanya pa rin ang loyalty nito.

Umupo si Francia nang maayos sa kinauupuan bago nagsalita. "Mabuti naman, hindi ba siya naghinala sa ginawa natin?"

Tumayo si Gregorio nang matuwid, parang siguradong-sigurado siya sa kanyang isasagot.
"Paninigurado, wala siyang kaalam-alam na ikaw ang nagtext kay Villarica. Nakakatawa, para mo lang pinaglalaruan si lady Irish."

"Hindi ko siya pinaglalaruan Gregorio, pinuprotektahan ko lang siya laban sa kanyang sarili." Tumingin si Francia sa malayo. "Pati ikaw pinuprotektahan ko kaya sinabi ko sa'yo na ipaalam sa kanya ang tungkol kay Elara para masabi niyang nagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Dahil kapagnakita niyang hindi mo nagagawa ng maayos ang iyong trabaho papatayin ka niya. At iyon ang hindi puwedeng mangyari, kaya bantayan mo siya, wag mong hayaan na madungisan niyang muli ng dugo ang kanyang mga kamay."

"Pangako Ms. Francia kasama mo ako sa mga Plano mo. At kahit buhay ko ay kaya kong ialay para lang matupad ang mga Plano mo kay Ms. Irish," ani Gregorio.

Assassin's Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon