kabanata 10

189 19 14
                                    

Unang lumabas si Irish ng kotse, sumunod rin agad ang binata. Inakbayan siya nito papunta sa gitna ng plasa. Hindi rin siya umangal. She just looked at him, tapos agad rin niyang ibinalik ang paningin sa paligid. Ilang minutong naging tahimik sila. And that silence makes them feel awkward.

"Bakit hindi mo kasama ang mga bodyguard mo?" pukaw ni Irish sa katahimikan.

"Tumakas lamang ako," sagot nito.

Kinuha ni Irish ang kamay ni Redeemer sa kanyang balikat at patakbong nagtungo sa pinakamalapit na duyan na gawa sa bakal. Umupo siya roon.

Tumayo si Redeemer sa likuran nito at inalog ang duyan sa pag-aakalang matatakot niya ito. Pero hindi. She was just laughed so hard. Parang alam nito ang balak niya.

Tumikhim si Redeemer."Are you really happy hah?"

"Yup." Tumikhim siya. "Honestly, I've never laugh so hard before."

He was shocked in disbelief. For him, hindi kapani-paniwala na ito ang una nitong tawa ng ganoon.

"Unang pagkakataon ko ito." Tumingala siya kay Redeemer na may kasamang ngiti. "Maraming salamat."

He still can't believe. "Hindi ako naniniwala sayo."

The irritated look shoot on Irish's face. "Bahala ka jan."

Mag-walk out na sana si Irish, buti napigilan ito ni Redeemer. Hinuli niya ang balikat nito at iginaya niya ito para muling umupo sa duyan. Hindi naman ito pumalag. "H'wag ka nang magalit, nagbibiro lang ako. Dito ka lang, bibili lang ako doon sa food cart."

Tango ang tanging naging sagot ni Irish. Tinungo na agad ni Redeemer ang food carts na nakahilira sa tabi ng plasa. Bumili siya roon ng fries, popcorn and milk shake. Tig-iisa sila. Pagbalik niya, wala na si Irish sa pinag-iwanan niya dito. Kumabog ang puso niya sa pag-aalala.

Sa pag-iisip na baka anong nangyari kay Irish, dali niya itong hinanap. Walang dereksyon na lakad-takbo ang ginawa niya. He was so desperate to find her.

"Redeemer! Saan kaba nagpupupunta?"

Napahinto si Redeemer sa pagtakbo nang marinig niya ang tumawag sa pangalan niya mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito saka napangiti nang makita niya roon si Irish. Dali niya itong nilapitan. Then she embraced her tightly. Nakahinga siya ng maluwag.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit parang alalang-alala ka sa akin?" nakakunotnoong tanong ni Irish.

"Akala ko kasi ano ng nangyari sayo. Akala ko nadamay kana sa gulo ng pamilya ko," sagot nito.

"Don't worry, it won't happen," her voice was cold.

Bumitiw si Redeemer sa pagyakap sa dalaga. Ngumiti siya dito. "Maybe, I'm just scared."

Seryosong nakatitig si Irish sa lalaki. Wala siyang pakialam kung anong iisipin nito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Redeemer, I'm sure hindi nila ako sasaktan."

He frowned. "Paano mo nasabi?"

Irish smiled. "Because I'm not part of Villarica Family." After she told those words, her smile disappeared. "Hindi naman siguro nila idadamay ang mga inosenteng tao, kagaya ko."

Mapaklang ngumiti si Redeemer. "Y-yah. You're right," utal niyang sagot.

Naging seryoso nilang tinitigan ang bawat isa. Para kay Redeemer may kakaiba sa huling sinabi ng dalaga.

"Bakit kaba ganyan makatingin, Redeemer?" Tanong ni Irish. Nakaupo sila sa lilim ng malaking puno. Pinagsaluhan nila ang binili ng binata kani-kanina.

Assassin's Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon