kabanata 9

230 20 3
                                    

Biglang tumunog ang cellphone ni Gainne na nasa kanyang blusa. Ibinigay niya ang blouse na hawak sa saleslady at sinagot ang tawag. Dumestansya naman si Irish sa lalaki.

Nang matapos makipag-usap si Gainne sa tumawag, tumingin siya kay Irish saka lumapit. "I'm sorry, si dad ang tumawag, may emergency daw."

"Mauna kana lang, Gainne. May bibilhin pa kasi ako," ani Irish. Naintindihan Niya Ang pinupunto nito.

Dinukot ni Gainne ang kanyang pitaka sa bulsa at may kinuha siya rito. Mayroon siyang inabot kay Irish na card. "Gamitin mo at bilhin mo rin lahat ng napili ko."

"No Gainne, I have my own money," Irish said. "Don't worry." Inilayo niya sa harapan ang kanyang inabot. Kinuya naman ni Gainne ang kanyang palad at pinatong niya dito ang card. "Gainne-"

"No. Gamitin mo na," pamimilit niya.

"Okay, fine."

Tumalikod so Gainne sa dalaga. Lakad-takbo ang ginawa nito palabas ng mall haggang hindi na ito matanaw ni Irish. Mukhang emergency nga ang itinawag ng ama.

"Paki-dala nalang yan sa counter, susunod ako," utos ni Irish sa saleslady na ang tinutukoy niya ang mga damit na hawak nito.

"Okay, miss..." sagot nito at agad umalis sa kanyang harapan.

Hinanap ni Irish ang men's department, nahagilap niya ito sa bandang likuran ng lady's department. Pumili siya roon ng t-shirt na black at habang abala sa pamimili may biglang humawak sa kanyang balikat. Alisto niya itong binaliktad kasunod humarap sa taong nasa likuran niya.

"Ouch! Masakit," reklamo ni Redeemer. He grimaced because of pain.

Binitawan niya ang kamay ni Redeemer. "Bat ka kasi nanggugulat!?"

Mariin na isinubsob ni Redeemer ang kanyang mukha sa harapan ng dalaga. Sa tangkad niya medyo napayuko si Irish habang bahagyang napatiyad para magkaroon ng distansya ang mga mukha nila.

"Bat ka rin nakikipagdate sa iba!?" bulyaw rin nitong balik tanong.

Iniwas ni Irish ang kanyang paningin sa kausap. "Bakit naman kita sasagutin."

Redeemer touched her cheeks lightly. Daling tinampal ni Irish ang kamay nito kaya muli niya itong binaba. Iiwan na sana siya ni Irish nang bigla siyang nagsalita. "Nagseselos ka ba?" He asked playfully.

Sumiwang ang labi ni Irish sa inis dahil sa tono ng pananalita ni Redeemer. Iniisip niya talaga na nagseselos siya? Saan naman kaya niya nakuha ang idea na iyon?

"Ako... Nagseselos sa babaeng 'yon? Sa babaeng may mukha nga pero para namang nasubsob sa harina! Mahaba nga legs wala namang laman, at maputi nga pero halatang daang bote ng glutathione ang nilaklak!" walang prenong sabi ni Irish. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata nang matantiya ang kanyang mga pinagsasabi habang kagat ang babang labi. Bakit ba hindi niya pinigilan ang sarili na ibigkas ang mga salitang 'yon?

Umiling-iling pa si Redeemer. "hindi ka nga nagseselos," pagsabi niya'y ngumisi ito.

Inayos niya ang sarili habang si Redeemer ay may makulimlim na mukha. "Lumayo ka sa akin!"

Nilampasan ni irish ang lalaki at malalaking habang na nagtungong counter.

"Irish, wait!" sigaw ni Redeemer.

Assassin's Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon