"BIRUSO"

3 0 0
                                    

"BIRUSO"

Kung sino pa ang malapit, siya pa ang magdudulot ng sakit 

Buhay ay ang pait dahil kaysa na pamilya ay 'yong kapit

-Matatanggap pa ay mga lait.

Kahit ano man suot na damit ay pilit pa rin na kinakamit

Ang mga hita na kay kinis, Gustong mahaplusan ng tao na

-sakanilang mga mata ay malinis.


Walang kawala naman kapag mag-isa sa silid

Demonyong namimilit, Walang pakialam kahit may tao sa gilid

Animo'y nakain ng sili dahil walang oras na pinipili

Laman pinipisil, pagsisihan niyo rin, lahat dapat singilin!


Kamatayan maawa ka, buhay niya iyo nang kunin!

Mga kalat sa mundo, kailan kaya pupulutin?

Kamatayan naman, pakibilis!

Kusa ba itong lilihis? o Kapag pagkatapos akong gamitin ng mabilis?


Hindi makatulog sa takot na may nagmamasid

At pasukin ng hating gabi

Ang iba'y binabanta at sinasabihan 'wag magsasabi

Takot ay itinatabi, hindi makagalaw na parang nakatali


Pumipikit dahil sa mga halik, katahimikan ko hindi na maibabalik

Kailan ang boses ko ay maririnig? Kapag hindi ko na kayo madinig?

Sa lugar na ang ibaba ay maingay ngunit lahat ay kapayapaan ang ibig

Pagpapakamatay ng anak ay minsan pamilya pa ang salik. 

-GumamelaForever

Gumamela's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon