Francesca,
Aking pinupusuan, Sana tayo'y magkita ulit
Sana mayroon pang kudlit, Sana hindi pa iyon ang huli , Doon ulit sa daan, Sana mayroon akong madaan. Papunta saiyo, Francesca aking minamahal.Hindi pa din mawala-wala sa aking isipan
Na tayong dalawa'y nagkatagpuan
Isang araw, Hindi namalayan, Pinapangarap kong babae ay sa wakas ko na nasilayan.Nakakabighaning kagandahan, Kahit na maliit, Hindi dapat minamaliit, Ang may puso at looban na may kakayahan lumaki.
Ngunit maliit ang pagkakataon na ako'y mapalapit.Pero hindi papayag na humigit ang mga pagkakataong maliliit.
Kaya susubukin lahat ng daan
Upang mabawasan ang mga maling daanan.Para sa darating na araw na ako'y lalapit
Kahit na ako ay inilayo mo
Tatanggapin ko ang lahat ng pasakit
Francesca aking minamahal, Sana matanggap mo ako kailan man.~GumamelaForever
BINABASA MO ANG
Gumamela's Poems
PoetryEnjoy sa pagbasa po hehe.. New poems next week.. gagalingan po namin hehe. Works by: GumamelaForever