"Tiwala"

4 1 0
                                    


Nakatingin ako sa salamin dinudungaw ang mundong puno ng dilim
ngunit ikaw lang ang ilaw na naka sindi sa paligid at binigyan mo ako
ng sigla sa akin paningin sa lunas ng aking kalungkutan na nakakadena
sa aking puso't isipan.  Ilang beses na tayo'y magkasama at ang ngiti
mo'y walang pwedeng ikumpara dahil sa ating pagmamahalan ay walang
kupas at walang hanggan ay tayo'y magsasama.

Ngunit sa panahon tayo'y nagpasyang magtanan tinanong kita kung
mamahalin mo pa ba ako kahit tayo'y matanda na?  Ang matamis mong sagot
ay aking narinig sa magkabilang tenga at aking nadarama ang iyong
pagmamahal para sa akin.  Nagmahalan tayo kahit hindi ginusto ng ating
magulang, binigay ko ang puso't pagkatao ko sayo at ganun din ang gianwa
mo sa akin.

Pero magkalipas ng mga panahon nung tayo'y nagka-anak hinayan kitang mangibang
bansa para sa ating pamilya pinayagan kitang isacripsyo mo ang buhay natin magasaw
para sa kinabukasan ng ating pamilya.  Minahal kita ng lubos ngunit pinagtanto ko ang
diyos kung talagang minahal mo ba talaga ako ng lubos, sa halip na may duda't kaba
ay inuna ko ang puso't ko at pinakawalan kita iniisip ko nakahit malayo tayo sa isa't
isa ay ako parin ang nasa puso't ispan mo magpakailanman.

Nagdaan nanaman ang ilang pang taon ako'y nagdududa kung bakit paunti ang
sustento ng iyong pinapadala, ang takot ko'y hindi ko maalis ngunit dahil sa pagmamahal
ko ay pinagtiwala ika'y parin nagmamahal sakin.  Lubos kong hinintay ang iyong pagbalik
lalo na ang ating anak na maliit, walang araw na hindi kita malimutan kaya'y araw-araw
puno ako ng kalunkutan katulad na lang nung araw na dipa tayo'y nag kita.

Aking mahal sana'y iyong mabasa ang aking liham at maramdaman ang aking pagmamahal
sana'y ikay ligtas sa ibang bansa at sana ika'y magbalik sa aking mga kamay.  Ako'y naguugud-
ugud na pero andito parin ako naghihintay sa pagbalik mo.

Work by Yameichi   

Gumamela's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon