"Sapatos at Tsinelas"

5 0 0
                                    

Sapa-sapatos, Tsine-tsinelas ,
Ano man kulay, Ano man lagay
Saan man gawa, Saan man ginawa
Tiyak susuotin pa rin kahit saan

Basta't huwag paa ang gagamitin sa daan
Masusugatan ka pa o tuluyan hindi makalakad
Basta huwag lang susuotin ang mayroon nang may-ari
dahil siguradong ikaw talaga ay mayayari

Butas-butas, may tahi, walang sintas o naka -mejas
Malambot, matigas, masakit o masarap sa paa
Mura man o mahal, gawa man sa leather o rubber
ay pinapahalagaan pa din nino man
Basta maging makuntento kung ano ang mayroon kailanman.

-GumamelaForever

Gumamela's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon