"Tintang Itim"
Sa loob ng kwarto na madilim
Ay palihim na kinukubli ang kanyang lihim
Isang babaeng ang nakikita lamang ay puro itim
Kaya ang nailalabas ng mata'y tintang itimAt sa tintang ito ay makikita kung papano inihinto ang buhay
Hindi ito nagawang maging makulay
Kaluluwa'y walang kabuhay-buhay
Dahil nahulog siya sa hukay.Kalungkutan umiiral, Sariling mga kaibigan nagiging kalaban
Mga tao sa paligid na walang ibang ginawa kundi humusga at manira
Nagtiwala lamang sa iisang tao na akala niya'y mapagkakatiwalaan
Ngunit walang matino na pangmatagalanTintang itim, ang bigat-bigat sa saloobin
Hindi ginawa ang taimtim na pangako
Nalason sa kaniyang pangako
Nabiktima sa maling pangako,Lahat ay nahuhulog sa hukay
Gawa ng taong na iba pala ang pakay
Kinabukasan wala nang kabuhay-buhay
Biktima ay idineklara nang patay.~GumamelaForever
BINABASA MO ANG
Gumamela's Poems
PoetryEnjoy sa pagbasa po hehe.. New poems next week.. gagalingan po namin hehe. Works by: GumamelaForever