Chapter 6

3 0 0
                                    

"Hi tito" sabay na bati namin ni rossaint kay tito at sabay rin pag labas namin ng kwarto kaya natawa si tito fault.

"Good morning iho at iha" parehas niya ginulo buhok namin nag simula na rin kaming kumain ng  inihanda ni tito fault sarap talaga nito magluto.

"Oo nga pala mag bihis na kayo gagala tayo ngayon babawi ako sainyo" sabi ni tito na excite ako kaya binilisan ko yung pag kain.

"Hush iha" sabi ni tito at inabutan ako ng tubig dahil nasamid ako ngumiti na lang ako dito at nag pasalamat tawa naman ng tawa si rossaint.

Nakakainis talaga pag  tumatawa ito pero mas gwapo ito pag naka ngiti at tumatawa kaya hindi ko malaman kung naiinis ba talaga ako o na popogian sakanya.

" Rossaint ubod ng kasungitan, what's funny?" pinakita ko kamao ko tatamaan talaga siya sakin ngayon.

"Tito naman eh" dahil parehas silang natawa ni ross.

"Napaka liit ng fist mo, do you think you can scare me?" Sabi ni ross I rolled my eyes tapos na rin naman ako kumain kaya pumasok na ako ng kwarto ko.

"Prostrina got ticked off" sabi ni tito fault nag tulong pa itong dalawa para pikunin ako kaya naman naligo na lang ako at nag bihis na.

Sinuot ko yung binili ko noon na black halter leather crop top kita yung collarbone dahil manipis lang tali nito at nahirapan pa akong itali ito sa bandang leeg dahil sumasama yung buhok ko.

Wala pa akong panali ng buhok para sana hindi istorbo yung buhok nag highwaist jean straight leg na lang ako na black at nag heals na white kinulot ko pa buhok ko kaya medyo natagalan ako.

"Ang tagal mo naman" reklamo ng dalawa sa harap ko kaya tinarayan ko sila pag tapos nila ako asarin.

"Sumakay ka kay ross iha baka sundan nanaman tayo" sabi ni tito fault at sinunod ko na lang ito dahil alam kong prinoprotektahan niya lang ako.

"Seatbelt monster" he smirked trip na trip niya talaga akong pikunin ngayon araw hindi siya titigil hanggat hindi ako mamumula sa inis pero hindi ako papayag.

"Yes cookie" I said, ross was just staring at me blankly

"You are crazy" umiling iling pa ito

"...Crazy over you" bulong ko at sabay tingin sa bintana ano ba pinagsasabi ko nakakahiya.

"What?" Mabuti naman hindi niya ito narinig.

"w-wala, ano ka ba hindi mo ba alam yung cookie monster ang pangit ng childhood mo" pang aasar ko na lang.

"God! You're driving me crazy" sabi nito at umiling na lang.

Nag drive na lang siya baka suntukin na ako nito pag naasar talaga siya sakin kaya nanahimik na ako ayoko na lang mag salita buong biyahe kase naman itong bibig ko hindi mapigilan kung ano ano sinasabi.

Napansin ko na kanina pa ito tingin ng tingin sakin kaya naman tinaasan ko ito ng kilay "ano?" I asked umiling ito biglang huminto na si tito fault at huminto na rin kami.

"Lakad na tayo tara" sabi ni tito at nag lakad na kami pumunta kami ng strawberry farm pag pasok namin kumuha na kami ng basket.

"Do you like strawberry ross?" Tito asked

"yes tito" he replied at namitas na kami.

Dancing With StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon