Prologue

28 1 0
                                    

"Mahal nag text yung tauhan ni Mr. Laurier sa airport na lang daw natin sila kitain" sabi ni amos.

"bakit?" inayos ko yung dress napaka ganda nito dahil punong puno ito ng mga diamonds.

"hindi ko alam pero doon na tayo pupunta"
pupunta kami sa airport para kitain si Mr. Heresy Laurier isa ito sa mga bigatin at kilalang businessman, may anak ito si Sycia Laurier nawalay ito sakanya ng ilan taon ang alam ko dahil sa alitan ni Mr. Laurier at Mr. Go

"Amos sinigurado mo ba na lahat ng kinabit dito mga totoong diamonds ni Mr. Laurier?"

"Prost wag ka na mag alala na check ko na okay?" tinapik nito yung balikat ko at hinalikan ako sa pisngi.

"ayoko lang pumalpak tayo ngayon malaking opportunity satin dalawa to" tumango naman ito at inayos niya na yung lagayan ng dress.

Isa akong fashion designer at nakapag tapos sa De La Salle University naging maganda ang takbo ng career ko pag tapos ko grumaduate agad akong nakapag patayo ako ng sarili kong shop, pero agad rin itong nag sara dahil sabay na nagka sakit magulang ko at lahat ng pera namin nasimot.

Kailangan ko ma siguro na maayos yung dress na para kay sycia dahil pambayad ko ito ng utang ko  at matutulungan ako ulit nito na makapag simula muli ng sarili kong shop.

Pag naging maayos lahat sigurado akong matutuwa sa langit mga magulang ko at magiging maayos na future namin ni amos.

"ate prost! nakahanda na raw po yung sasakyan hinihintay ka na ni kuya amos" sigaw ni tatiana kapatid ni amos.

"ito na!" nagbihis na ako naka Vintage Chanel Black Strapless Lace Midi Dress ako medyo kita cleavage ko dito.

"Tati na saan na yung black na stilettos ko?" hindi ko kasi mahanap baka hiniram ni tatiana minsan kasi hinihiram ni tatiana yung mga gamit ko.

"anong stilettos yun ate prost?"

"yung may rhinestones na strap" tumakbo ito sa baba at inabot sakin yung stilettos ko.

nahirapan ako mamili sa bags pero pinili ko na lang yung white clemence birkin ng Hermes.

Nandito pa rin sakin lahat ng binili ko at mga niregalo sakin ng parents ko na mga branded na bags, clothes etc. nung nasa hospital sila binalak ko ito ipagbebenta lahat para sa mga kailangan sa hospital pero kusa ng bumigay mga katawan nila at binilin rin nila na kahit anong mangyari wag ko ito ibenta at alagaan ko ito.

inayos ko yung buhok ko ginawa ko na lang yung low bun na hairstyle at nag iwan ako ng buhok sa magkabilaan sa harap.

"Napaka ganda ng mahal ko" pambobola ni amos pinisil nito yung pisngi ko kaya hinampas ko kamay nito.

"amos naman, ang mamahal na ng pang skin care ngayon" tumawa ito at napailing na lang.

Akala ata nito nagbibiro ako padabog akong lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan pag upo ko hindi maalis yung kaba at saya ko.

masaya ako dahil mabubuo ko na ulit yung pangarap ko kasama si amos at kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

"let's go mahal?" tanong ni amos at tumango naman ako, nag drive na ito papuntang Airport buong biyahe namin pinag kwentuhan lang namin yung mga plano namin pag tapos nito.

"Rossaint we love you!!!!!"

"Ross ang gwapo mo!!!!"

"Saint Ross!!!!"

Dancing With StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon