Chapter 7

0 0 0
                                    

Hindi ko namalayan naka tulog pala ako kagabi dito sa kubo babangon sana ako ng makaramdam ako ng mabigat na kamay na naka yakap sakin.

Pinagmasdan ko lang siya habang tulog at naka pikit napaka amo ng mukha ni rossaint kahit tulog.

"Hi good morning" nataranta ako dahil bigla itong nag salita tatayo sana ako ng hatakin ako nito pahiga ulit.

"Baka nandyan na si tito rossaint bangon na" sabi ko pero hindi ito bumangon at dinagan pa lalo sakin legs niya kaya naman mas lalong wala akong kawala.

"Hoy pag tayong dalawa nakita ni tito iba ang iisipin non" banta ko pa dito.

"Sa tingin mo hindi niya pa tayo nakita? wala naman tayong kumot na dala kagabi, ngayon may naka taklob na satin" aniya.

"Bumangon ka na dyan tara na" tatayo sana ako ulit pero hinatak niya ako palapit sakanya at niyakap ako ng mahigpit.

Humiga na lang rin ako pumikit siya ulit kaya tinitigan ko na lang yung mukha niya pero bigla siyang dumilat kaya nag iwas ako ng tingin.

"Baka matunaw ako sa titig mo" asar nito hinawakan ko ang ilong niya ang tangos hindi ko alam bakit ako nagkaroon ng lakas hawakan mukha niya.

Tuwing ganito kami kalapit bumibilis tibok ng puso ko parang lagi kong gusto tumakbo palayo sakanya nakakapaso tuwing malapit siya.

"Don't move" dahil bigla itong gumalaw tinitigan rin ako nito hinawakan ko naman ang pilik mata niya at kilay ang ganda ng mga mata nito lalo na kung ganito kalapit.

Napatingin ako sa labi niya pulang pula ito nakita ko yung pag lunok nito at tumingin sakin nahiya ako kaya umiwas na ako ng tingin at tumayo ulit.

"Tara na" sabi ko.

Binitawan niya naman ako at agad akong tumakbo sa kwarto ko at nilock ko yung pinto ko hiyang hiya ako sa mga ginawa ko.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil hindi ko makalimutan kahihiyan ginawa ko naligo na lang ako at nag bihis lang ng white t-shirt at ng cotton lounge short na grey ng calvin klein pinusod ko rin buhok ko pero medyo messy ito wala rin naman akong balak lumabas ng kwarto ko.

Narinig ko yung sasakyan ni tito fault pero hindi ako lumabas dinikit ko lang tenga ko sa pinto at pinakinggan silang dalawa.

"Nasaan si prostrina rossaint?" tanong ni tito.

"Nasa kwarto pa tito" sabi ni ross.

"Bakit kulang ba tulog niyo sa kubo?" pang aasar ni tito sakanya.

"Siya siguro tito kulang" natatawang sabi ni rossaint siraulo talaga siya, ako pa ang kulang sa tulog ngayon.

"Iha labas na kain na tayo" sigaw ni tito.

"Tito ilagay niyo na lang po sa pintuan dito na lang po ako kakain nilalagnat kasi ako" palusot ko dahil sigurado ako na aasarin lang ako ng dalawang yon tinanggal ko na lang yung lock ng pinto ko at sakto
binuksan ni tito yung pinto at nginitian ko ito.

"Kamusta pakiramdam mo ba iha?" tanong ni tito, nag sakit sakitan pa ako sa harap niya.

"Ayos lang po tito padala na lang po ako ng hinanda niyo" nginitian ko si tito.

"Sige dadalhin na lang diyan pag kain mo wag mo na ilock pinto" sabi niya at umalis na nag luto siguro si tito dahil matagal ito at wala pa rin dito yung pag kain medyo gutom na ako at hindi rin maganda na pakiramdam ko.

"Bukas po yan" i shouted dahil hindi na kaya ng katawan ko tumayo biglang inilabas nito si rossaint nagulat naman ako at agad akong nag takip ng kumot lintik akala ko si tito mag dadala.

Dancing With StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon