Chapter 10

1 0 0
                                    


Paalis na ngayon si rossaint yung mga gamit niya nilagay na niya sa sasakyan niya kagabi, bumili na rin kami ng pwedeng pasalubong sa parents niya at sana maka uwi siya ng ligtas.

" Thank you uncle " sabi nito kay tito fault at tinapik naman siya nito sa balikat "ingat iho"

"prost.." ngumiti ako sakanya at niyakap ito.

"Mag iingat ka" i smiled

"thank you for everything" sabi niya at pumasok na sasakyan, natulala na lang ako sa sasakyan ni ross na hindi na tanaw ng mga mata ko.

Magiging masaya ako sa magiging desisyon niya at sana lang pag isipan niya ito ng mabuti para hindi siya mag sisi.

"Ayos ka lang ba iha?" tanong ni tito fault tumango naman ako at pumasok na kami sa bahay.

Nag linis na lang ako ng kwarto ko at inayos yung mga gamit ko, pag labas ko ng kwarto para kumuha ng tubig nakita ko si tito fault nasa dining at busy busy mag cellphone.

" tito aalis ka?" I asked dahil bihis na bihis ito.

"hindi lang ako iha tayong dalawa aalis tayo" i glanced at tito fault.

"h-huh saan naman tayo tito?" i asked.

"Basta iha sige na at mag bihis ka na" aniya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo pag tapos ay nag blower na lang ako dahil baka nag mamadali si tito hindi na ako pwede mag kulot, nag suot na lang ako ng black sweetheart neck tube top at white wide leg pants tapos yung heels ko na black.

"tito ano mas bagay na bag?" pinakita ko yung white na Le Cagole ng balenciaga at yung black na celine mini ava bag.

"Yung white na lang iha mas maganda" binalik ko sa box yung celine.

"Tito tara na" sabi ko at nag lakad na kami papuntang sasakyan niya iba naman ito ngayon sports car na gamit niya, kung maging mafia na lang rin kaya ako.

"Tito sali mo nga ako sa trabaho mo para naman nag kaka ganyan rin ako" biro ko sakanya at agad siyang sumimangot kaya naman nag peace sign ako, pumasok na kami at nag drive na si tito.

"Tito saan tayo papunta bakit lalabas pa tayo ng nlex?" tanong ko dito akala ko sa mga mall lang kami at kakain.

"Look iha" turo nito sa isang billboard at laking gulat ko dahil mukha ko iyon na naka side view ako at naka patong kamay sa ulo ko vinideohan ko ito habang padaan kami maya maya naman tumawag na si adrianne.

"Sis congrats! Ikaw yung napili nila na ilagay sa billboard I'm so happy for you!" Tili ito ng tili napangiti naman ako.

"ano ka ba dapat ako mag thank you sayo kung hindi dahil sayo wala ako dyan"

"Ano ka ba prost mukha mo inilagay dyan dahil maganda ka, anyways nakita mo na ba billboard mo?" he asked.

"Oo nandito kami ngayon ni tito fault"

"Daan ka naman sa office pirmahan mo to may offer ako ulit sayo" aniya.

"okay sige bye na, mag kita na lang tayo" sabi ko at binaba na ito binati na rin ako ni havoc at nag send pa ito ng bulaklak sa bahay.

"Ang ganda mo doon iha congrats" sabi ni tito fault at hinampas ko ito ng mahina sa braso "alam na alam mo yan tito" i smiled.

"Nung pauwi kasi ako kagabi nakita ko yan tama nga si rossaint maganda ka dyan iha" speaking of ross dumaan siya dito hindi niya man lang ba ako babatiin kahit yun lang bilang kaibigan lang ganon.

"ay tito daan po muna tayo kila adrianne may offer daw po pala ulit" sabi ko sakanya.

Pagkarating namin bumaba kami agad ni tito at inayos ko yung kwelyo nito dahil nagulo ito, naka white polo si tito naka tupi hanggang siko at black pants lang tapos black lace up leather na derby shoes.

Dancing With StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon