Chapter 23

1 0 0
                                    

Naramdaman kong wala ng tumatama sakin pero rinig ko pa rin yung sigawan ng mga tao, nag angat ako ng tingin at nakita ko yung mga armadong lalaki na nasa harap ko at prinoprotektahan ako.

"Let's go" hindi na ako nito hinintay mag salita at binuhat ako ni rossaint.

"A-anong ginagawa mo?" I asked, my voice quivering with fear, "Mas lalo lang akong kukuyugin sa ginagawa mo, mas akalain nilang niloloko mo si Sycia," I added, tears streaming down my cheeks.

He gently placed my face on his neck and replied, "Close your eyes prost, avoid looking at them, I'll take care of everything, promise." I shut my eyes, and I could smell his perfume.

When we got to his car, my whole body was trembling, and I just couldn't stop crying. I could see the worried look on his face.

He put his coat on me and breathed out heavily, "shhhh I will not let this happen again. You are safe with me." I nodded. hindi ko alam kung anong meron sa mga sinabi niya at kumalma yung katawan ko.

Nag drive na ito at hindi ko alam kung saan niya ako dadalahin, Minsan tinitignan ako nito pero agad rin binabalik sa daan, I just kept my eyes on the roads.

Huminto kami sa isang malaking gate at naka lagay sa tuktok nito na Palazzo R&P, ilan beep lang nito at bumukas yung napaka laking gate, pinasok na nito yung sasakyan niya sa loob.

Sobrang lawak ng front yard nito akala mo ay nasa forest ka, Napapalibutan ng mga magagandang halaman may makukulay na dahon, Mga trees na maraming bunga at sa tabi nito may Gazebo at pond.

Sa gitna nitong front yard may bahay at fountain batang anghel yung nasa tuktok nito natuwa ako dahil ang ganda ng pagkaka gawa sa batang anghel, huminto na kami ni rossaint sa bahay na colonial craftsman napaka ganda at puti ang kulay.

May malalaking bintana ito sa baba at tanaw mo na agad yung mga gamit sa loob, "kanino ito?" i asked.

"s-sakin" he answered hesitantly, "tara na para magamot ko na yung mga sugat mo" bumaba na kami ng sasakyan at pumasok kaming dalawa sa bahay.

Unang bubungad sayo  yung painting na kamay at sanggol na nakayakap sa thumb, "pinapaint mo?" i asked and he nodded, ang ganda ng pagkaka gawa at halatang mahal dahil ang laki nito.

Ginala ko yung mata ko at ang lawak ng sa 1st floor puro white and gold ang disenyo at minimalist lang, umakyat kami sa itaas meron itong isang napaka habang hallway at meron walong kwarto binuksan ko yung unang kwarto.

Sumunod siya sakin at binuksan niya yung ilaw sa loob napaka laki nito, ito siguro yung masters bedroom pumunta ako sa nag iisang bintana malaki iyon tanaw mo dito yung front yard pati mga bituin.

Puro puti ang disenyo dito pati furnitures kagaya ng sa 1st floor, May tatlong pinto sa loob ng kwarto na magkaka dikit.

Lumapit ako sa sa gitnang pinto "pwede?" tanong ko, tumango siya kaya binuksan ko yung isang pinto isang malawak na comfort room at marble na puti ang ginamit dito na tiles.

May dalawang salamin at dalawang bathroom sink, makikita mo sa likod ng dalawang salamin yung mga puno sa labas.

"maganda?" tanong niya.

"... sobra" sagot ko.

Napansin ng mata ko yung dalawang robe na naka sabit, sa isang robe may naka lagay na R sa isa naman ay P.

Lumabas na kaming dalawa ng comfort room at pumunta naman ako sa isang pinto sa may kaliwa.

"ito ano to?" turo ko sa isang pinto.

"walking closet" aniya.

Pag bukas ng pinto pahaba itong walking closet at bubungad saiyo yung mahabang runway stage, tanging ilaw lang nito yung spotlight na naka tutok sa malaking salamin sa gitna.

Dancing With StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon