CHAPTER TWO
"WHAT'S THE TEA?" Tanong ni Monnet na halos tumili na. She is my best, best friend since high school, she's been my soul sister since I can remember. Monnet and I have been living in the same apartment for five years now, since my parents turned their backs on me.
"What?" Kiming tanong ko. Nahiga ako sa kama at saka ko binalot sa kumot ang buo kong katawan.
"Duh, Veronica. About your sexy boss. Care to tell me something about him?" Muli siyang tumili na mas ikinairap ko. Kung hindi ako magku-kwento ay hindi rin siya matatapos magtanong.
"Wala naman akong ibang sasabihin. Ganun pa rin, gwapo pa rin siya sa paningin ko." Kahit naman ata hindi ako magkwento kay Monnet ng tungkol sa boss ko ay alam na niyang lahat. Kung may fans club siguro si Sir Mancini ay si Monnet ang president. Lahat ng magazines na tungkol sa boss ko ay meron si Monnet. Pati nga iyong brochures at fliers na may mukha ni Mr. Mancini ay iniipon niya.
"Bakit hindi ka na lang mag-apply sa Mancini para araw-araw mo siyang nakikita?" Nakangiting anas ko na ikinairap lang niya.
Naiwan sa Canlas Publishing si Monnet, iyong kompanya kung saan ako galing, yung kompanya ng malayo kong pinsan na si Kliu.
"Ayaw naman akong paalisin ng pinsan mo, ano." Sikmat niya na mas ikinatawa ko.
Kahit naman medyo may 'crush' ako kay Mr. Mancini ay gusto ko pa ring mapalapit si Monnet sa kaniya. She is my soul sister, her happiness is my happiness too.
"Baka may gusto sa 'yo si Kliu." Pagbibiro ko pa.
"Hah! Kaya nga nalipat kay Mr. Mancini ang interes ko ay dahil hindi man lang ako pansinin ng pinsan mo." Umismid pa siya, "Pero mukhang bagay kayo ni Mr. Mancini kaya sige, babalik na lang ako sa piling ni Sir Canlas."
Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya. Naputol lang ang pagtawa namin nang sabay kaming mapatingin sa cell phone kong nakapatong sa sidetable, may tumatawag na ikinakunot ng noo ko.
"Si tita." Bakas ang inis, lungkot at takot sa boses ni Monnet. Inis dahil alam na niya kung anong dahilan ng pagtawag ni mama, lungkot dahil alam kong naaawa siya sa 'kin, at takot dahil sa kung ano pang sasabihin sa 'kin ni mama.
"Veronica." Sa tahimik na silid ay agad na umalingawngaw ang malakas na boses ni mama mula sa kabilang linya. Isang salita pa lang ang sinabi niya pero naging dahilan iyon ng agarang panunubig ng mata ko.
"Mama, bakit po?" Sinilip ko pa ang wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto, alas onse na ng gabi. Bumaling din ang atensyon ko kay Monnet na kunot noong nakamasid sa 'kin. Marahil pinapakiramdaman ang pinag-uusapan namin ni Mama.
"Anong balita?"
Saglit akong napapikit, ito na naman ang paninikip ng dibdib ko. "Wala po, Ma."
"Ah, ganon. Langya, Veronica ngayon na lang ulit ako tumawag sa 'yo, tapos ay wala ka pa ring balita kay Janica?! Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi umuuwi ang ate mo, baka nakakalimutan mo?!"
Bahagya ko pang inilayo ang cell phone sa tainga ko, masyadong malakas ang boses ni mama na dahilan nang mas panunubig ng mata ko. "Hindi ko po nakakalimutan, Ma." At mukhang hinding hindi ko na 'yon makakalimutan dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw rin sa 'king pinapaalala ng mga magulang ko ang pag-alis ng ate ko. Na ako raw ang dahilan kung bakit nawawala ang paborito nilang anak. Kaya simula noong nawala si ate ay pinalayas nila ako sa bahay, mabuti na lang at mayroong isang Monnet na tinulungan ako.
"Gawin mo ang lahat para makauwi dito ang anak ko, Veronica." Bakas ang inis at lungkot sa boses niya.
Gusto kong sabihin na anak din nila ako, na ako yung gustong umuwi sa kanila pero pinalayas nila ako. "Ma, limang taon na simula nang umalis si ate."
BINABASA MO ANG
Master of my Inferno
RomanceWARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This is strictly intended for those over the age of 18