CHAPTER FIFTEEN
YOU CAN do this. Don't be nervous. Everything will be okay. I really have been overreacting about my dress right in front of my full-length mirror. Today—I mean, tonight I will be meeting Leandro's family. It's his father's birthday, and I don't know what else to do. My knees go weak. Never even imagined I would be this nervous.
Akala ko ay magiging madali ang lahat dahil noong inimbita ako ng mommy ni Leandro noong nasa coffee shop ako ay pinag-handaan ko na ang lahat. Mula sa isusuot kong damit hanggang sa mga sasabihin ko, pero ngayon, parang nawala lahat dahil sa kabang nararamdaman ko. Wala pa naman si Monnet para ipag-cheer ako. Gosh. Bessy, I miss you!
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pagbusina sa labas. He is here!
Muli, sa hindi na mabilang na pagkakataon, pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng malaking salamin. I Can't imagine I am wearing a black silk bodycon dress, and a pair of stilettos.
Nang pagbuksan ko si Leandro ng pinto ay agad na gumihit ang ngisi sa labi niya. Ilang segundong naglakbay ang paningin niya sa mukha ko pababa, at muling bumalik sa mukha ko--sa labi ko, to be exact.
"Beautiful." Aniya, ang paningin ay nasa labi ko pa rin.
"Thank you. Ang gwapo mo rin." Batid kong namula ang mukha ko, iyon din ang dahilan nang pagngisi ni Leandro. Shit. Hanggang ngayon ay nahihipnotismo pa rin ako ng pagkurba ng labi niya. Siya lang ang tanging taong nakakagawa non sa 'kin! Idagdag pa ang paghanga ko sa asul niyang mga mata.
"Are you ready, dolce mia?"
"Hmm." Tumango ako, muli kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko nang alalayan niya ako papasok sa kotse. "But I'm kinda nervous."
"Why?" Saglit pa siyang bumaling sa 'kin.
Why? Seriously? Tinatanong niya ako? Psh.
"Hello, I'm gonna meet your family." Asik ko na inatawa niya. Gosh. Tumawa si Leandro. Thank you, Lord. "Natural lang na kabahan ako, duh."
"Don't be nervous. You are with me in every step of the way." Marahan pa niyang pinisil ang kamay kong kasalukuya g nakapatong sa hita ko, "And you already met my mom. My father and siblings are nice like her. They will like you."
"Talaga?" Nabuhayan ako ng loob, medyo nawala ang kaba ko. Pero hindi pa rin nawawala iyong isipin na paano kung ayawan nila ako? Alam kong hindi imposibleng mangyari yung mga napapanood ko sa TV, na aayawan ako ng parents ni Leandro dahil sa estado naming dalawa. Tsaka ganon-ganon yung mga nababasa kong libro sa Mancini Publishing. Shit, Veronica.
"Hmm." Tumango siya, bahagyang hinila ang kamay ko para halikan iyon. "They will like you. Believe me."
Tumango lang ako. We never talked again until we reached their mansion. Shit! Their mansion! Nakalimutan kong sa bahay mismo ng mga magulang ni Leandro kami pupunta! Nang makababa ay muling nanumbalik ang kaba ko. Kaba dahil sa wakas ay nakarating na kami, at kaba dahil nasa harap ko na ang napakalaking mansion. May mas lalaki pa pala sa bahay ni Leandro. Darn. Billionaires. Kaylan ka ba masasanay, Veronica de Rosas?
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang makapasok kami sa loob ng mansion. Ang kabang nararamdaman ko ay mas tumindi nang makarating kami sa tapat ng mahabang mesa, kung saan nandoon ang pamilya ni Leandro. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko nang lahat sila ay nakatingin sa 'min—sa 'kin.
Ang tanging kilala ko lang sa hapag ay ang mommy ni Leandro, si Jamie at si Mr. Stellvester.
"Finally, you are here!" Masayang anas ng mommy ni Leandro. Nagliwanag ang mukha niya at napatayo pa nang makita kami.
BINABASA MO ANG
Master of my Inferno
RomanceWARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This is strictly intended for those over the age of 18