CHAPTER TWELVE
"DO NOT BE stubborn, Veronica. This will be good." Nanginginig ang tuhod ko habang nakaluhod sa kama, ang dalawa kong kamay ay nakadantay rin sa kama dahil iyon ang utos niya."Please, Mike. I don't want this. Stop, please.." hindi ko alam kung ilang beses na akong nagmamakaawa pero sarado ang tenga ni Mike para pakinggan ako.
He is an evil. I don't want this. He's forcing me into something I do not want to do. But I can't barely move, my knees are weak, and I can't even shout for help.
"No. No, Veronica. You will love this." Tumawa pa siya na parang isang demonyong nagkatawang tao.
Pilit akong pumikit nang hawakan niya ang magkabilang pang-upo ko. Masaganang umaagos ang luha ko dahil sa sitwasyong ito ay iyon lang ang tanging magagawa ko. I am hopeless. My body is so weak and I don't know why. Siguro ay dahil sa juice na pinainom niya kanina o kaya ay dahil sa sobrang takot.
Hanggang sa maramdaman ko ang isang bagay na dahilan nang pilit na pagsigaw ko sa kabila nang nauubos kong boses.
-
MABILIS akong napabalikwas nang magising ako. Nanginginig ang buo kong katawan, pawisan habang patuloy ang pag-agos ng luha.
Pilit kong ikinulong ang sarili ko sa comforter na nasa sahig, marahil ay nalaglag nang nasa kalagitnaan ako ng bangungot na iyon.
"Veronica! Veronica! Open your door, please!" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Monnet sa pinto ng kwarto ko.
Ilang segundo kong pinakalma ang sarili, pinunasan ko rin ang luha ko at saka ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Monnet na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"What happened, bessy? Gosh, you scared me. Are you okay?" Bakas ang takot at kaba sa boses niya. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at mahinang tinapik iyon. "Do you want me to stay here?"
Marahan akong umiling. Kahit kaylan talaga ay ganito si Monnet. Sa tuwing nananaginip ako ng masama ay sobra sobra ang pag-aalala niya. Noong unang beses kong naranasan ito ay hindi talaga 'ko iniwan ni Monnet.
"Bakit ba kasi napanaginipan ko na naman 'yon?" Pinilit kong tumawa kahit bakas pa rin ang pagluha sa mata ko.
It has been two years since I last dreamt of that thing. Ngayon na lang ulit iyon bumalik, ngayon na lang ulit kung kaylan pakiramdam ko ay okay na 'ko, kung kaylang akala ko ay hinding hindi na 'ko guguluhin ng panaginip na 'yon.
"What do you want to do, Veronica?" Saglit na sinilip ni Monnet ang wall clock na nakasabit sa kwarto ko, "Let's watch a movie?"
Matamis kong nginitian si Monnet. Sa pagkakataong ito ay nasisigurado kong nagliwanag ang mukha ko kahit na may bahid pa rin ako ng pagluha.
Ganito pa rin si Monnet, gumagawa ng paraan sa tuwing nagigising ako dahil sa masamang panaginip. She is the best. Hindi niya ako iniiwan.
"Gusto ko lang mahiga, wala akong ganang manood. Salamat, Monnet."
She just heaved a long sigh. Saglit na tumigil at muling nagsalita. "Sige. Tawagin mo na lang ako kapag gusto mo ng kausap."
Tumango ako, "Thanks again."
"Wala 'yon. Basta 'wag mo na lang ulit akong tatakutin ng ganon."
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya kaya matamis ko siyang nginitian.
Saglit lang din ay nagpaalam na siya. Samantalang nahiga lang ako sa kama, nakatingin lang sa kisame at pilit na kinakalimutan ang panaginip na gumising sa akin.
BINABASA MO ANG
Master of my Inferno
RomantizmWARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This is strictly intended for those over the age of 18