CHAPTER FOURTEEN
ILANG LINGGO na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung paano ako ipagtanggol ni Leandro kay Mama. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung gaano siya kasinsero sa mga bagay na sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mas lumala ang nararamdaman ko sa kaniya. Paanong nangyaring mas lumalim ang nararamdaman ko sa ilang buwang pananatili ko sa kompanya?My whole life has changed so fast and I couldn’t even recall life before Leandro. He is my light, no matter how dark my life became. He is my peace in my cruel world, the calm amidst the havoc.
"What's with you today?" Steph asked as she walked into my office. Malawak ang pagkakangiti niya, itinaas din niya ang kanang kilay na parang nang-iintriga. Ilang linggo na ang lumipas at ilang linggo na rin akong kinukulit ni Steph.
"What?" Pagbabalik ko ng tanong. Tinaasan ko rin siya ng kilay at saka ko idinako ang paningin ko sa mga librong nasa mesa. I have read a lot of romance books with prince charming and knight in shining armour. Pero yung lalaking matagal ko nang pinapangarap na matagpuan ay makikita ko lang pala sa kompanya kung saan ako nagta-trabaho.
"Hmm, wala naman." Tinulungan pa niya akong ayusin ang mga libro, "Simula kasi nang naging boyfriend mo si Mr. Mancini ay mas lalo kang gumaganda."
Natatawa akong umiling, "Hindi naman, ano."
"Sus, hindi raw!" Tumawa rin siya, "Anyway, we will be having a meeting with the board and staff members, 9 AM to discuss matters regarding our new board of directors."
"Hmm. I know." Natatawa kong anas, "Ako kaya ang gumawa ng memo at nagpapirma, psh."
Malakas na tumawa si Steph, "Pasensya naman. Akala ko kasi ay masyado kang naging busy sa boss natin. Inisip ko lang na nakalimutan mo na yung meeting."
"Sira!" Pinamulhan ako ng mukha dahil muling natawa si Steph.
Kumakaway na lumabas si Steph sa office. Inayos ko naman ang papers na gagamitin ni Leandro sa meeting mamaya. Masyadong maraming tao ang aattend sa meeting dahil may dalawang bagong myembro ng board. They are both interested in publishing, and both are best-selling authors based on Steph.
Leandro texted me minutes later. Sinabi na dumaan muna ako sa opisina niya bago magsimula ang meeting. At syempre, dinala ko na ang memo na nasa yellow folder, ako rin kasi ang naka assign na i-check ang attendance lalo na yung mga staff na pumirma sa nasabing meeting.
Bago pa man ako pumasok sa office ni Leandro ay tinignan ko ang repleksyon ko sa pintong salamin. I am wearing one of my best office attires--cream chiffon blouse tucked in a brown pencil skirt.
It's like déjà vu, I knocked three times before opening the glass door. At mas lalong parang nangyari na ang lahat nang magsalubong agad ang paningin naming dalawa ni Leandro nang makapasok ako sa opisina.
"Hello." I bet my face is crimson red. Kaylan ka ba masasanay sa gwapong itsura ng boss mo, Veronica? "Bakit?"
"Have a seat, dolce mia." Aniya, isinenyas pa ang upuan sa harap ng table niya. Napakagwapo talaga ng Italyanong ito. Nakasandal lang naman siya sa swivel chair habang nakatitig sa akin pero napakalakas na ng dating. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa asul niyang mga mata, sa matangos niyang ilong, sa mapupulang labi o dahil sa perpektong hugis ng mukha. O 'di kaya naman ay dahil sa lahat ng iyon?
All of the above!! My inner self shouted at me.
Nang makaupo ay agad napako ang paningin ko sa labi niya. Ilang segundo siguro akong nakatitig doon dahil bigla siyang ngumisi. He is the most handsome man I have ever seen. Nakita ko na iyong magazine na dating kinokolekta ni Monnet pero mas gwapo sa personal si Leandro. Gosh.
BINABASA MO ANG
Master of my Inferno
RomanceWARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This is strictly intended for those over the age of 18