CHAPTER EIGHT

2.6K 29 0
                                    

CHAPTER EIGHT


HINDI KO pa rin mapigil ang pag-iyak. Ang paningin ni Mama ay palipat-lipat sa akin at sa lalaking humarang sa kaniya.

"I think that's enough, ma'am." Anas ng lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Mama at buong pwersa niya iyong tinabig.

"At sino ka sa tingin mo?!" Pasigaw na anas ni mama ngunit hindi man lang natinag ang lalaki, bagkus ay nginisian pa si mama.

"You do not have to know." Malamig na wika nito, "Masyado ka nang nakakaabala sa mga tao rito, pwede bang umalis ka na?" Hindi ko akalaing sasabihin niya iyon kaya mas lalong nagalit si mama. Namumula ang kaniyang mukha at sobrang talas ng tingin sa lalaki.

"Huwag kang makialam," at saka siya bumaling sa 'kin, "Sa tingin mo naman ay nakahanap ka na ng kakampi? Hindi pa 'to tapos, Veronica. Tandaan mo lahat nang sinabi ko at ibalik mo ang anak ko." Mariing anas ni Mama at halos magpapadyak nang umalis.

Kahit papa'no ay nakahinga ako nang maluwag. Pilit ko ring pinunasan ang luha ko. Nang masiguradong ayos ay tsaka ako bumaling sa lalaki, bahagya pa akong nagulat nang makitang diretso siyang nakatingin sa 'kin.

"Are you okay?"

Tumango ako at saka pilit na ngumiti. "Oo. Salamat."

Matamis siyang ngumiti, "Good. Palagi ka bang ginaganon ng babaeng 'yon?"

Maka-babae naman ito, "She's my mother. At oo, lagi siyang ganon sa 'kin."

"Mother? She shouldn't be treating you that way."

Tumango ako dahil hindi ko alam kung ano pang sasabihin o kung may sasabihin pa. Nagbaba ako ng tingin at saka ko lang naalala ang hawak kong kahon ng cake. "I gotta go. Thanks again." Anas ko.

"Wait," natatawang aniya na ikinakunot ng noo ko, "I'm Hail Pereda by the way."

"Veronica de Rosas." Tinanggap ko pa ang pakikipagkamay niya na agad niyang ikinangisi.

"I'll see you again next time." Aniya pa, tumalikod, itinaas ang kamay at saka pa kumaway.

Nagkibit-balikat na lang ako at saka bumalik sa apartment.

Nasa gate pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang malakas na tugtugan ni Monnet. Napangiwi ako. Ganitong ganito siya kapag ayaw niya akong kausapin, gusto niya ay sobrang ingay sa apartment para hindi ako magkaron ng tyansang kausapin siya.

"Monnet," nakalabing anas ko nang matagpuan ko siyang nakahiga sa mahabang sofa. Nakataas din ang paa niya at nakatingin sa cell phone.

Umikot pa siya patalikod sa akin.

Galit talaga si Monnet.

"Bessy," malambing na wika ko, lumapit din ako sa kaniya at tinapik ang braso niya.

"Hmm?" Taas-kilay niyang sagot.

"Sorry na." Lumabi ako nang umirap siya.

"Okay."

"Monnet, sorry na talaga. Naiintindihan kita. Lahat nang sinabi mo kagabi ay naintindihan ko. Sorry na, bessy."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka naupo, sinalubong din niya ang paningin ko. "Alam ko namang maiintindihan mo ako. We are soul sisters, right? Sorry rin kung masyado akong mahigpit sa 'yo. Ayako lang na masaktan ka dahil alam ko kung anong pinagdaanan mo sa pamilya mo. Ayoko lang na dumating sa punto na pati sa lalaki ay masaktan ka rin."

Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko, naibaba ko rin ang dala kong cake at saka ko niyakap si Monnet. "Thank you, bessy. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko 'pag wala ka sa tabi ko. Thank you for guiding me."

Master of my InfernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon