CHAPTER TWENTY-SEVEN
IT'S JAMIE'S EIGHTEENTH Birthday. Politicians, CEOs, and even Celebrities are present on Jamie's birthday. Leandro's father is this powerful. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit kahit tapos na ang election ay laman pa rin ng balita ang pamilya ni Leandro. Kahit saan social media platforms ay makikita rin sila. At ngayon din ay mas nakikita ko kung bakit gustong gusto ng daddy ni Leandro na maging perpekto ang araw na ito.
Everyone screams power and wealth. Flashes everywhere. Kahit saan ako tumingin ay maraming paparazzi. Alam kong pati ako ay makikita ko ang sarili sa balita mamaya kaya hindi mawala ang ngiti sa mukha ko kahit nangangawit na ang pisngi ko kakangiti. Napakaraming kilalang tao ang nasa loob ng Prymova na halos ikalula ko.
"Is that a Glambot?" Hindi ko mapigilan ang matuwa nang makita ko ang setup malapit sa entrance, pagkalagpas ng red carpet.
"Kinda." Leandro's lips curved into a smirk. His hand was resting on the small of my back, slightly massaging it. "Do you want to try it?"
I nodded, "I do. I love it so much. Wow! It's feels like a dream." Excitement filled me when Leandro guided me to the stage.
We were greeted by Mr. Prymova-the owner of the rest house and the underground art museum.
"Good evening, Mr. Mancini and Miss De Rosas!" Mr. Prymova said, waving his hand as he gestured us toward the camera. "Let me introduce you to Mr. King Ricafranca, the head photographer and Videographer of tonight's event."
Then Mr. King waved to us, "Good evening. I am King Ricafranca. Your head photographer."
"Leandro Mancini." Anas naman ni Leandro at saka nakipagkamay sa head photographer. Ganun din ang ginawa ko.
Ilang segundo ang lumipas at tinuro sa akin ni Mr. Ricafranca kung anong gagawin, masaya ko naman iyong sinunod. Matapos non ay nag-usap pa silang tatlo. At ngayon ko lang nalaman na friend ni Leandro si Mr. Prymova, at friend ni Mr. Prymova si Mr. Ricafranca pero hindi kilala ni Leandro si Mr. Ricafranca. Well.
At ngayon ko lang din nalaman na si Mr. Prymova iyong kaybigan ni Leandro na nagtanim ng sunflowers sa mansion nila Leandro. Gosh. The infamous alternative flogger!
"There are reporters everywhere, Leandro." Bulong ko sa bandang tainga ni Leandro. Kahit saan ako tumingin ay may mga reporter, iyong iba sa kanila ay kilala ko na. Madalas din silang tumawag sa opisina namin at hindi ko alam kung ano bang gusto nilang malaman. Hindi naman si Leandro ang Mayor!
"Yeah. That's why Jamie's debut needed to be this perfect. I bet my father is somewhere, drinking his wine while watching this pool of reporters."
I made face. Ikinatawa naman iyon ni Leandro. "Basically, this debut isn't just about Jamie. It's about your father's power."
"But at least I can use my father's power to help Trent's pledge drive." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Who is using who?"
Tumawa rin ako, hinawakan ang kamay ni Leandro at alam kong gustong gusto niya iyon. "And speaking of Trent, there he is!" Itinuro ko ay table sa gilid. Nando'n si Trent at Atlas.. at may kasama sila. "Who is she?" Takang tanong ko kay Leandro. Sa tingin ko ay kilala niya kung sinong kasama nila Trent. They are his best friends after all.
"I dunno." Kibit balikat na sagot niya, "Maybe their girlfriend?"
"Their girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumisi si Leandro at sa tingin ko ay inaasar na naman niya ako. "Their? As in their?"
Tinaas niya ang kanang kilay, nakangisi, "Perhaps they are a throuple."
"A what?" Halos pasigaw na anas ko dahilan para tumingin sa'kin ang ibang tao. Sa hiya ko ay gusto ko na lang magtago sa bisig ni Leandro at manirahan doon habang buhay. "Throuple? What is that?"
BINABASA MO ANG
Master of my Inferno
RomanceWARNING: READ AT YOUR OWN RISK This story contains dark themes which may be disturbing to some readers. This is strictly intended for those over the age of 18