I KNEW IT

137 2 0
                                    

Jethro Reyes' POV.

"Eh bakit kasi kailangan mong i-lihim samin?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry na." At nagsad face siya.

"Hayaan mo, iimbestigahan ko bawat kilos niya." I comforted.

Ngayon ko lang siya nakitang nalungkot, ang swerte nga ni Klint kasi nagawa siyang patulan ni JL.

Si JL eh isa sa mga naging crush ko pero dati pa yun. Ang ganda niya kasi talaga. Yung mga mata niya mapungay at walang kasing ganda. Yung ilong niya naman ang liit lang na matangos tapos yung labi niya laging pink. Maputi siya pero nagkulang sa height. 5 flat lang kasi siya, pero bagay naman sakanya.

Kaso sa ibang tao tingin nila eh sobrang pangit ng ugali niya. 'She's judge mental' ika nga. Pero kasi kung sa araw-araw mo siyang kasama, dun mo din malalaman kung ano yung totoong ugali niya.

Masaya siyang kasama, pala-tawa. Matampuhin at mahilig sa corny jokes. Ayaw niya din ng tinatawag siyang JL. Gusto niya may code name sakanya.

Pero ang higit sa lahat, nakakaawa lang kasi minsan inaatake siya ng hika niya. At buti pa nga may mga taong mabuting loob na kumupkop sakanya.

"Jeth, kain tayo." Aya niya sakin at sabay taas niya ng damit niya. I saw her sexy tummy. Napaka-puti talaga niya :3

"Ang problema sinu-solusyunan, hindi stress eating. Okay?" Paliwanag ko sa kanya.

"Oo na."

In the middle of silence, bigla siyang nagsalita. "Jeth, baka mag-quit na ko sa banda."

Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. "Bakit?!"

"Pinapasok kasi ako ni mama sa isang business eh. Nagustuhan ko naman." Sabi niya.

"Ay, ganun ba? Sayang naman. Wag ka na mag-quit! Kahit jam lang tayo minsan. Gora ka na lang sa work mo pero wag mo kaming kakalimutan!"

"Oo naman."

"Kayo lang ni Kean yung may trabaho. Ano ba naman yan! Bata niyo pa para diyan! Haist. Di ba bawal pa magtrabaho ang hindi graduate? Ano bang work?" Tanong ko.

"Sa company. Ang mahirap lang eh client pa lang ako. Tsaka ewan ko kung bakit ako pwede. Taga-assist lang naman eh."

"Ano naman? At least may trabaho ka. Pero alalahanin mo! May sakit ka. Baka gusto mong kotongan kita pag pinabayaan mo sarili mo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Isang oras lang siya dito samin at dinaretso ko na siya sa school niya. Kahit na late, ayos lang sa kanya. Baliw yun eh, sanay na kasi.

--

JL LOPEZ'S POV

"Oo na." Tugon ko sa sinabi ni Mama. Dineclare niya kasing bukas na daw ako magsisimula sa trabaho kaya magready na daw ako. Pagkatapos ng klase, dumaretso ako dito kung saan nakatira sila Mama pati na din sila Lolo.

Wala namang balita sa amin ni Klint kasi simula nung takasan niya ako, hindi pa din siya nagpapakita sa akin. Hindi ko naman tinext para matuto siya.

Sa ngayon, nanlalamig na talaga ako. Pumupunta lang kasi sa dorm ko kapag may kailangan siya. Ayoko ng ganon.

Akala ko pang-matagalan siya pero ilang araw lang kami naging masaya.

Dahil sa wala ako sa mood, pumunta na lang ako sa dorm ko at nagpaalam sa kanila. Hayy~ sorry ang boring ng buhay ko.

*Tok tok tok* Sa pinto.

Binuksan ko agad para malaman kung sino iyon at nakita ko si...

Nicolaylay.

"HI! ^_^" Bati niya. Isasara ko na sana yung pintuan pero pinigilan niya. "Uy! Gusto ko naman maging close tayo eh. *sad face*

Tangnang to nagawa pang magpa-cute -_-

"Wala akong time." Binuksan niya yung pinto at dumaretso sa loob. Umupo sa couch na parang feel at home saka nag-cross legs.

"Mag-isa ka lang pala dito. Do you have a boy friend?" Tanong niya sakin.

"Meron."

"Sino?"

"Si Dagul."

"Naman ehhhh!" Yan na naman yung style nya pvta! Pa-qt.

"Meron nga."

"Sino nga kasi?" - siya

"Si Klint Bartolome." Halata namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Are you serious?! Tell me you're jusy kidding!"

"Tangna. Nagtatanong ka tas di ka maniniwala? Pwe." Rolled eyes.

"Pero di nga? Klint Bartolome? Ang alam ko kasi may girl friend yon and she's assigned to handle the Walled Company!" Walled? Parang familiar yung sakin, ah. Teka?! G-girl friend? O_O

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nagiinit na talaga ko.

"Yes, he has. Di mo ba nabalitaan? Oh well, isa ka lang sa stalker niya kagaya ko! Wag ka mag-pretend na girl friend ka." Ano daw =______=

"Bakit mo ba kilala si Klint? At sino yung Girl friend niya? I'm his official girl friend!" I defend.

"What the heck. I also studied at Orchard where he's studying. Elle ang pangalan ng girl friend niya."

Ako nga yon -_- Bobo to.

Tumawa na lang ako at binaliwala siya. Ako nga si Elle, shortcut ng jL. Boba talaga! HAHAHA

The next morning, so this is it! Ito nga pala ako papunta na sa office. Nagpa-resched ako sa school ng klase ko. Nagpang-hapon na lang ako. 8-12 lang naman kasi yung pasok ko sa office kaya ayun. :3

Slightly nervous pero kaya ko to. Walled Company yung pangalan ng kumpanya kung saan ako magta-trabaho.

Dahil wala akong kotse, nag-taxi ako magisa. Hindi ako nanghinayang sa formal wear ko kasi sa nagdadala naman yun eh. Kahit gaano ka-gusot o ka-pangit yung suot mo, basta marunong ka magdala.. edi keri. :)

Bumaba ako mismo sa tapat ng opisina, bubungad sa harap nito ang malaking parking lot. Nang pagpasok ko sa building, "Good morning, mam." Bati sakin ng Guard.

I love calling me 'mam' ♥

Hinanap ko agad yung elevator at confident na pinindot yung number 26 button. Napaka-refreshing talaga ng araw na to. Sobrang good vibes ako. :)

Pag-akyat ko sa 26th floor, I proceed sa room. Ako pa lang yung tao kaya inayos ko muna yung table na may pangalan ko.

But then, "Miss?" Nagulat ako sa nagsalita galing sa likod ko.

I saw..

"KEAN?" Na-mini shock siya sa nakita niya at mas lalo naman ako. Ngayon ko lang siya nakitang naka-formal at naka-ayos ang hairstyle.

He just rolled his eyes. "This is bad." Parang nagsisisi pa siyang ka-office mate niya ako.

Nang magsi-dating-an yung mga officers, binati nila ako kasi bago ako dito sa Company.

Naging close ko ang bawat isa sa kanila at himala! Naging maayos yung mood ko.

"Ms. Lopez?" Tawag ng manager.

"Yes, sir?" Tanong ko.

"May you give this files and documents to Ms. Chanel Patria? She's at 24th floor." Tumango ako at sinunod yung utos niya.

Pinindot ko yung down sign at 24. Habang naghihintay ako, mabilis na nagbukas yung elevator pero..

Nahulog ko yung bitbit ko ng makita ko si..

Klint kissing with a girl.

My Boyish Girl FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon