JL'S POV
"Smile!" Itinapat ko yung camera sa aming dalawa habang nagdadrive siya. I smiled but he doesn't.
Papunta kami sa tagaytay para maghotel. Oo para lang maghotel :) Pero maraming beses na akong nakapunta dito sa Tagaytay, actually parang kapitbahay na nga lang naman to eh, haha!
Malamig dito kaya sakto sa amin para magpainit. Di ba pag katapos ikasal may honeymoon? Dapat pagkatapos sagutin may honeymoon din HAHAHA jokelang.
Hindi ko ipapalusot ang junior niya, just cuddling.
About yesterday, madami akong pinaghandaan pero ganun lang kasimple yung kinalabasan.
Tiniis kong wag pansinin si Kean para maisip niyang wala akong paki sakanya at kinakalimutan ko kunyari yung birthday niya hahahaha.
Planado na talaga yun, pati nga si Manang kasabwat eh. At nung isang araw kaya kami pumunta ni Nicolai sa SM eh para magpareserve sa lounge. Ang cheap noh? SM hahaha.
Tsaka bumili din ako ng mamahaling kwintas naming dalawa. Oo mamahalin talaga! Almost 3K ang pair. Heart ito na magka-biyak at ito ngayon si Hulk..
Our first baby.
Dejoke! Hahaha!
Puppy pa lang siya pero syberian husky. Kapalit ito kay Lilac :)
"Sisa, naiihi ka ba?" Umiling naman ako.
Sisa yung tawag niya sakin. Bakit? Kasi prinSISA na baliw niya daw ako HAHA :) Tawag ko naman sakanya eh Sipe for prinSIPE.
"Bili ka muna ng drinks. Malayo-layo pa tayo eh, nasa Amadeo pa lang." Itinigil niya yung kotse sa isang variety store along the highway.
Binuhat ko naman si Hulk at papasok pa lang kami sa store, nalaglag si Hulk at tumakbo sa daan.
Hinabol ito kaagad ni Kean pero...
"Kean!" Nanginig ako sa nangyari at tanging pag preno lang ng isang truck ang narinig ko. Halos hindi na kayanin ng preno kaya nabunggo si Kean kasama si Hulk.
Biglang umiba ang ihip ng hangin at tumakbo ako papalapit kay Kean habang nakahiga sa daan. Yung truck naman nanghit and run lang.
Nakita ko si Hulk, maayos at walang galos ngunit si Kean ang napuruhan puro siya duguan. Pinilit kong buhatin siya at isinakay agad sa kotse. Buti na lang marunong akong magdrive.
Habang nagdadrive ako hindi ko kayang tignan si Kean na duguan at puro sugat kaya naiyak ako. Minadali ko na din ang pagtawag kay Manang lalo na kay Jehtro para ihatid si Manang sa pupuntahan naming ospital.
Makalipas ang ilang oras...
"Doc! Ano pong nangyari sa kanya?! okay lang ba siya?! Buhay pa ba ang alaga ko?! " sunud-sunod na tanong n manang. Oo, andito si Manang nagpapanic habang ako naman eh umiiyak sa balikat ni Jethro.
"Sakto lang po ang pagkadala niya sa ospital pero nasa kritikal na kalagayan ang binatang iyon at nasa comatose siya. Hindi namin alam kung kelan siya magigising, bibigyan namin siya ng 48 hours at kung magigising siya within those hours, may possibility na mapapabilis ang recovery niya pero hindi natin alam kung magkakaroon siya ng memory loss dahil sa natamong injury niya sa pagkabangga." Explain ng doctor habang patuloy pa din ako sa pagiyak.
"Diyos ko." Umalis na ang doctor at pumasok naman kami sa kwarto saka ko hinawakan ang kamay ni Kean.
75 hrs..
"Kean, tapos na yung 48 hours gumising ka na." Napaiyak ako sa sakit na nararamdaman.. hindi ko siya kayang makitang nagkaka-ganyan.
"Kean gumising ka na... Ipapangako ko sayo, ikaw lang yung taong mamahalin ko! Please Kean. Pag gumising ka magpakasal na tayo! Di ba sabi mo hindi mo ko iiwan? Kean wag kang ganyan! Akala ko ba tayo magpapa-tunay na may forever?! Kean please. I beg you." Napaluha siya sa sinabi ko pero nakapikit pa din. Tumungo ako habang hawak ang kamay niya at nagulat ako nung magsalita siya.
"Nasaan ako?" Saktong pagpasok ulit ng doctor para sa pagsusuri.
"Kean!" Niyakap ko siya ng mahigpit at nagtanong siya ng "Sino kayo?"
Saka nakapag conclude ang doctor. "He lost his memories, I'm sorry pero ang magagawa na lang natin ngayon ay ipaalala sa kanya kung sino nga ba siya. In short, magsisimula ulit siya sa pagkabata. Sa mga sugat na natamo niya, siguradong bubuti na agad ito in a few weeks at pwede na din siyang lumabas. Pero for his memories, matatagalan bago siya maka-recover." Huling sinabi ng doctor saka muli lumabas sa kwarto.
Patuloy naman sa pagpapaalala si Manang pero wala pa din. Wala siyang maalala kahit isa kaya nasalampak ako sa upuan at humagulgol ng malakas.
After a weeks, umuwi na kami sa bahay pero hindi niya pa din kilala kung sino kami at sino siya.
Nang napag-isa kami sa kwarto niya, nilapitan ko siya. "Kean, kilala mo ba ako?" Kahit paulit-ulit kong itanong sa Kanya wala talaga siyang naalala.
"Ako to! Si JL. Yung mahal na mahal mo! Ito pa nga si Hulk oh! Medyo lumalaki na siya!" Binuhat ko si Hulk at isinampa sa kama.
"Hulk?"
"Oo Hulk yung pangalan niya." Kinuha niya ito at saka hinimas-himas. "Ang cute ng asong 'to pero sorry talaga, wala akong maalala." Nakakalungkot..
"Siguro napaka-importante ko para sayo kasi palagi kang naandito para sakin. Inaalagaan, pinapakain, pinapaliguan.. Sorry talaga. Pilit ko man ibalik yung ala-ala ko, eh wala talaga. Pati na din yung mga lalaking kasama mong kumakamusta sakin, hindi ko talaga sila kilala." Huminga ako ng malalim at saka tinanggap ang lahat.
Pumasok naman yung mama't papa niya sa kwarto para kamustahin si Kean. Umuwi na nga pala ang magulang niya ng mabalitaan yung nangyari, wala silang sinisisi kasi ang aksidente eh walang may gustong mangyari.
Kinilala na din ni Kean sila Tita na magulang niya pero Hindi niya lang maalala ang nakaraan.
"Okay ka lang ba anak?" Tanong ni Tita Zen sakanya. At habang nililibang niya si Kean, nagtext naman si Mama.
Anak, hinihintay na kita dito sa airport. Siguro naman tama na ang ilang oras mo diyan kila Kean, hayaan mo.. maalala ka din niyan at magiging masaya ka din.
From: Mama
Close na kami ni Mama, umuwi din kasi siya sa Pinas para kamustahin si Kean pati na din ako. Gabi-gabi niya akong kino-comfort sa lahat kaya ayun.. naging malapit kami sa isa't-isa.
Ngayon, pinapapunta niya ako sa Australia kung saan kami nagbubusiness para ipagpatuloy ito. Graduated na kasi ako pero hindi ko feel kasi hindi din ako umattend nung graduation ball.
Nagpunta lang ako dito kila Kean para makita siya kahit na hindi niya ako maalala. "Tita, Tito, mauna na po ako. Hinihintay na po kasi ako ni mama sa airport eh."
Tumango naman ang dalawa saka napatingin ako kay Kean at di maiwasan ang luha na pumatak. "Bye, Kean." Nag-wave ako sa kanya at ngumiti lang siya. "Mag-iingat ka!" Sabi nilang lahat at umalis na ako dala-dala ang lungkot na nadarama.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl Friend
Dla nastolatkówShe's JL Lopez. A senior highschool that who's lack of attention of her own parents. She was not educated by the good manners she must have that's why she act like this. There are three men who are going to be part of her life but there is only one...