JEALOUS

117 1 0
                                    

Kean Rusty Dionela's POV

"Hey, look!" Humarap naman ako sakanya tsaka siya nakitang naka-glasses.

Haist. Ang pa-cute talaga ng babaeng to.

Ngumiti na lang ako at sinabing, "It suits."

Ngumiti din siya tsaka pinisil yung pisngi ko tsaka naman ako napailing.

Ang tagal niya ng nagiistay sa bahay ko at sa totoo lang, I can't live with her in the same roof. She's so annoying.

Nakikisama na lang ako sakanya at ito na naman kami, nasa SM.

"Let's eat! Magdi-dinner na oh? I'm hungry na!" Complain niya saka kami pumasok sa isang fast food chain.

While she's ordering, I chose a table. Habang naghihintay ako sa kanya, nakita ko si JL ng di kalayuan sa table namin.

Nilapit ko pa ang mukha ko at pinikit-pikit ang mata ko para patunayang siya nga yun dahil iba ang kulay ng buhok at hindi nga ako nagkamali.

She's with Jethro...

And they're happy together.

Masaya naman siya sa nakikita ko kaya siguro hindi na siya bumalik. Ilang araw ko na din kasi siyang hinihintay pero di na talaga siguro siya babalik.

Hindi ko alam kung pano to sabihin sa inyong lahat. Pero kasi namimiss ko na talaga siya eh. Yung mga ka-spoiled niya, yung mga ngiti niya, yung mga jokes niya at yung mga pick-up line niya tuwing gabi. Siguro hindi niya sa inyo naikwento na bumabanat siya sakin dahil siguro nakakalimutan niya. Makata yata yan si JL eh.

Sa nakikita ko ngayon, sobra akong nasasaktan kasi napakasweet nilang dalawa. Ay di pala ako na-inform? Ilang days nang sila?

Mahina ako sa ganito kaya naramdaman ko yung luha na bumagsak sa mata ko at nang maigala niya naman ang buong mata niya sa loob ng resto, namasdan niya ang luhang pinunasan ko.

Tumayo ako sa table tsaka lumabas sa resto.

JL'S POV

"Kean!" Hinabol ko siya hanggang sa paglabas niya sa food chain dito sa SM. Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya di rin ako tumitigil sa paghabol sakanya.

"Kean naman eh! Hintayin mo naman ako!" I said desperately.

Tumakbo siya ng mabilis kaya tumakbo din ako. Nang nasa parking lot na kami, naunahan niya na naman ako at inistart ang kotse niya.

Kahit na tumatakbo na yung kotse niya, patuloy pa din ako sa paghabol sakanya at sigaw na "Kean! Pakinggan mo naman ako!"

Naiiyak na ako sa ginagawa niya hanggang sa bumilis na ang takbo ng kotse niya kaya di ko na naabutan.

Napaluhod ako sa lupa habang tumutulo ng tumutulo ang aking mga luha at sumabay naman ang tinding pagkulog at kidlat. Unti-unti ding dumilim yung langit at biglang buhos ng ulan ngunit hinayaan ko lang.

"JL!" Sumigaw si Jethro habang kasama naman si Nicolai na buhatin ako patayo.

Gulay na gulay ako ngayon, miss na miss ko na siya. :'(

Nang maisilong na nila ako, nagpumiglas ako sa kanila at muling tumakbo papunta sa bahay ni Kean kahit na malayo.

Hindi alintana sa akin ang ulan na pumapatak saking katawan basta't ako'y tumatakbo lang.

Kahit na pagod na pagod na ako patuloy pa din ako sa pagtakbo. Malayo pa ako sa aking destinasyon pero hindi ko yun pinapansin habang tulo lang ng tulo yung luha sa mata ko.

My Boyish Girl FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon