"Hija, gising na." Inalog-alog niya ako sa kama na dahilang magising ako. Sisigawan ko sana dahil hindi ako sanay ng ginigising ako ng ganito kaaga pero naalala kong hindi ito si Mama.
"Opo, wait lang." Sa sandaling ito, napigilan ko ang sarili ko at yun na lang ang nasabi saka siya umalis sa kwarto.
Pumikit ulit ako at di ko namalayang naka-tulog ulit pala ako. Nagising lang ako nang may pumasok ulit sa kwarto ko, mabango ito at parang bagong ligo.
"Klint?" Pilit kong inaaninag kung sino ba 'yun.. at unti-unti kong nalinawan na si Kean pala habang nakasuot na ng uniform ng office.
"Gumising ka na dyan. Maligo ka na at pumasok ka. Hindi sa office kundi sa school. Inayos ko na sa dating oras ang schedule mo at hindi ka muna papasok sa opisina ngayon." Sabi niya habang inaayos yung neck tie niya at nakatingin sa salamin.
"Ha? Eh bakit?" Umupo ako sa kama at nagtanggal ng mga morning glory :3
"Ayaw mo bang maka-recover sa nangyari at papasok ka agad? Osige, ayos lang. Ikaw naman mahihirapan."
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala na siyang biniling iba kaya umalis na kaagad siya.
Pagkatapos ng paghahanda, ito ako ngayon naglalakad sa corridor. Hindi ako late kaya congrats sa sarili ko.
Sa lahat ng anggulo, nakikita kong pinagbubulungan ako eh kasi naman balitang-balita yung nangyari sakin na na-ospital ako pero hindi nila alam kung bakit kasi wala naman ibang nakakaalam na kami na ni Klint.
Pagpasok ko sa room, sinalubong agad ako ni Nicolaylay. "JL! OKAY KA LANG?!" Hinawakan niya yung dalawang balikat ko at inalog-alog.
"Ano ba. Wag mo kong hawakan." Umiwas ako sa kanya at umupo sa dulong corner. Loner ako eh.
Sinundan niya ako at kinausap habang wala pa si Ma'm. "Uy, kausapin mo naman ako! Ano nangyari? Ba't ka daw nahimatay?! So means hold ka muna sa band niyo?!" Sunud-sunod niyang tanong saakin. Hindi ko alam kung bakit niya alam na may banda ako, siguro stalker ko na to. XD
Hindi ko siya pinansin at hinayaang magtanong hanggang dumating si Mam. Nilabas ko din yung pampa-lubag loob ko at nginuya ito (bubblegum)
In the middle of the class, someone knocked on the door. Binuksan ito ni Ma'm Turrecha at nakita niya si....
K
KLINT.
"Lopez. Tawag ka." Lumingon saakin lahat ng kaklase ko hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako.
Nagdadalawang isip akong tumayo pero dahil sa hinihintay ako ni Mam pumunta sa unahan eh napilitan na talaga ako.
Habang naglalakad ako papunta sa kanya, may sakit at galit akong nararamdaman pero mahal ko pa din talaga siya.
Nag-excuse ako kay Mam at lumabas na din ako ng room sabay sampal sa kanya ng malakas. "That's for cheating on me." I slapped him once again "And that's for taking the virginity of my lips."
Hinayaan niya kong gawin yun kasi he really deserved that slaps. "Elle, I'm sorry." Pilit niya kong niyayakap pero bumibitaw ako sa kanya.
"Sa ngayon, ayan lang yung sasabihin mo? Klint, kahit ano pang sorry ang sabihin mo wala yan sa nararamdaman ko ngayon."
Naglakad ako palayo pero nararamdaman kong sinusundan niya ako at hinawakan yung kamay ko "Oo, JL! I'm cheating on you! I promised her that I'm going to court her when she come back and this is it. I'm sorry, Elle. Minahal din naman kita!" Sa sigawan naming dalawa, lumabas ang mga estudyante sa room at naki-chismis saaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl Friend
TeenfikceShe's JL Lopez. A senior highschool that who's lack of attention of her own parents. She was not educated by the good manners she must have that's why she act like this. There are three men who are going to be part of her life but there is only one...