TO LOVE is just a coincidence that you might experience and TO MOVE-ON is the hardest thing that you should do when you're brokenheart.
Pero bakit sa tuwing close na kayo sa isa't-isa dun magkakaroon ng ka-kontra? :(
Sana yung puso at utak eh para lang device na pwede mag-delete lalo na ng bad memories.
Sana merong painless suicide sa tuwing makikita mo yung taong importante sayo na masaya sa piling ng iba.
Sana may automatic amnesia para makalimutan yung part sa buhay mo na pinaka-ayaw mo.
Sana archerproof yung puso ko para kahit na bigla akong tamaan ni kupido, hindi basta-basta maiinlove yung puso ko.
At sana may syrup na iniinom para sa pampa-manhid para di maramdaman yung sakit.
"Elle?" Napa-lingon ako kung sino yung tumawag sa pangalan ko.
"Klint." I just said then I feel my tears falling down.
Napayakap ako sa kanya pero kumalas din ako ng maalala ko yung ginawa niya.
Umupo siya sa bench kung saan ako nakaupo saka sinabing, "Elle, sor--"
"Wala yun. Wag mo na intindihin." Ngumiti ako sa kanya saka pinat ang ulo niya sabay punas niya sa luha ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Ha? Umiiyak ba ko? Hindi ko alam. Sipon ko lang yan." Tumawa ako ng peke pero mukha siyang seryoso.
"Ano nga?"
Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago ako magsalita. "Si Kean kasi--" bago ko pa matuloy yung sasabihin ko, humagul-gol na agad ako sa pag-iyak.
"Shhh. Ano si Kean?" Sabi niya habang hinihimas yung likod ko.
"May iba ng babae.."
Nagtaka siya sa inaasal ko ngayon. Ang alam niya kasi nagda-dalamhati ako dahil sa ginawa niya pero hindi na.
"Paano mo nasabing may iba na?"
"Ganito kasi yun, tumitira ako kila Kean kasi simula yung... basta. About sa'yo yun. Hindi niya muna ako pinabalik sa dorm para sa therapy ko then may isang girl na bigla na lang humarang sa buhay namin."
"So ano yung pinaglalaban mo?"
"Haist! Klint umayos ka nga!"
"Bakit? Tinataong lang kita."
"Hayyyyyy. Sanay na kasi akong sakin lang nakabaling yung atensyon ni Kean."
Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pang ngumiti at sinabing "In love ka."
Inambahan ko kagad siya ng suntok saka nag-apela na "Fuck you! Anong pinagsasabi mo? Sabi ko I just want all Kean's attention that's all!"
"Oh tignan mo, defensive ka." He smirked. "Hindi ka naman magre-react ng ganyan kung hindi totoo eh. Kilala na kita Elle. Tsaka selos yang nararamdaman mo, you're being selfish na pala." He pats my head then stand tall.
"Try to talk to him. Malay mo--"
"Anong talk to him? talk to him mo muka mo! May iba na ngang babae lalandiin ko pa."
"Sure ka na bang babae niya na talaga?"
Hindi.
Pero kasi nagano na sila!
Haaaaay
Ayoko ng second.
Gusto ko ako unang makakagalaw dun.
Haist.
Nagseselos ba talaga ako?
His phone rings then he answered it. "Okay, pupunta na 'ko." Pagka-baba niya ng phone niya nagpaalam siya sa akin at naiwan na naman ako ditong mag-isa.
After all, I decided to go to the hair salon.
"Good morning, mam." Bati sakin nung isang bakla.
"Good afternoon." I corrected.
Umupo ako sa isang stool saka naman sakin sumunod yung bakla. "What can I do, mam?"
**
Nicolai Mendoza's POV
"What the! What did you do?!" Nagulat na lang ako sa hairstyle niya. Sobrang nanghihinayang kasi ako.
"This hairstyle denotes I'M BORED." Sabi niya saka humiga sa kama.
Kalbo siya! :'(
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joke.
Nagpa-kulay siya ng buhok saka nagpa-rebond. Mas lalong humaba yung buhok niya at pa V-cut pa ito, yung kulay naman ng buhok eh red orange na parang kay Hayley at may mga highlights din na blonde sa gilid.
TBH, bumagay ito sa kanya. Maputi naman siya eh pero ang sakit sa mata ng new look niya.
Dahil sa na-curious ako, "Anong meaning niyan at bakit ka nagpa-new look?"
"Parusa sa sarili ko." She just said while hugging her bear.
"For what?"
"I'm in love."
HA?
"Kanino?"
"Kay....." matagal pa siyang nagsalita kaya naghintay lang ako.
"....Kean."
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl Friend
TeenfikceShe's JL Lopez. A senior highschool that who's lack of attention of her own parents. She was not educated by the good manners she must have that's why she act like this. There are three men who are going to be part of her life but there is only one...