6

11 1 0
                                    

A/N: Hello po :) After 4 months here's the update. Sorry po at sobrang tagal. Nagfocus po kasi ako sa isa kong story nung 2 months, and on the other 2 months naging busy po nung summer at nareformat yung laptop. Please bear with me hahaha :) Sana mas dumami ang nagbabasa nitong story na 'to. I hope you enjoy this chapter, please vote and comment :) Ciao!


Aigoo naman talaga. Eto kami nasa dining table naghihintay ng iseserve ni Mama. Siya nalang daw kasi ang bahala sa lahat. Katabi ko naman si Jeric, himala pa at hindi pinigilan ng mga kuya ko na tumabi siya sa akin.

"Dinner is ready! Kainan na!" Sigaw ni Mama habang dala dala yung ibang pagkain at yung iba eh sa katulong na niya ipinadala.

"Alexa, ito oh nilaga. Favorite mo yan diba?" Sabi ni mama, halos mag-hugis star naman yung mata ko ng marinig ko yung nilaga. Kumuha ako ng marami at nilagay sa plato siyempre tiyaka ako kumuha ng rice. Susubo palang sana ako ng kalabitin ako ng katabi ko at lumingon ako para magtanong kung bakit kaso kutsara na may lamang nilaga at rice yung sumalubong sa bibig ko.

"Nilaga." Sabi ni Jeric tiyaka humarap sa pagkain niya at sinimulang kumain gamit nung kutsara na pinangsubo niya sa akin. Napatingin naman ako sa pamilya namin ni Jeric at nakangiti lang sila habang kumakain. Phew! Akala ko nakita nila eh. Tinuloy ko nalang din ang pagkain ko para matahimik ako.

Nasa kalagitnaan na ng pagkain ng biglang may humawak ng kamay ko, pagkalingon ko nilagyan niya ng basong may tubig yung kamay ko.

"Inom ka muna Dryx, kain ka ng kain diyan. Baka mabulunan ka." Uminom naman daw ako sa baso na ibinigay niya. Pagkatapos kong uminom eh binaba ko na yung baso, pagkababa ko naman ng baso eh ininuman naman niya. Wat the?! Kanina pa to ah. Gusto mo ba ng laway ko? Sana yun na lang yung kinain mo. Fushaa. Pero on the second thought, wag nalang pala kasi nakakadiri yun. HAHAHA.

Natapos naman na din naman kaming kumain, nakakapagtaka lang kasi hindi nagwawala si Papa sa pinaggagawa kanina ni Jeric. Well, okay narin atleast hindi nakakahiya kila tita.

"Alexa!, come here sing for us." Sabi ni Mama. Ako? No way. Nakakahiya, may mga bisita.

"Come on Alexa." Sabi ni Papa.

"Oo nga naman buns, halika na dito namiss ko na yung boses mo." Sabi ni kuya Xander ng nakangisi. Oh my god having such brother. Purfff.

"Sure." Sabi ko nalang. Ano bang magandang kantahin? Takte wala naman akong maisip.

"Uhhm. Any requests?" Tanong ko. Yung request nalang nila. Namemental block ako ngayon. Humarap ako sa may tv para iready yung digits na sasabihin nila.

"We could happen. 280947" T-that voice. Lumingon ako para makita kung sino ung nagsalita. And yeah it was him, Terrence. What is he doing here? Tinignan ko si Mama and she mouthed sorry to me. Alam niyang tapos na kami, why would she invite Terrence to come over?! I just don't get it. Tinignan ko si Mama at tiyaka ako umiling sa kaniya. Lalapitan na niya sana ako pero nag-sign ako ng wag tiyaka ako umatras at tumalikod paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko.

I just don't get it. Bakit kailangan niya pang iinvite si Terrence dito? Ano gusto niyang itest kung nakamove on na ako dahil nandiyan na si Jeric?! Damn! Two days palang ang nakakalipas.

"Hey, Alexa! *knocks* open this door!" Si Mama yan. She's ridiculous and impulsive as ever. Dumiretso ako sa walk-in closet ko and there kinuha ko yung emergency sling bag ko. Which is may lamang pera na ipon ko, at cellphone na tinabi ko na every year ko namang pinapalitan.

After kong maayos yung gamit ko sa bag kinuha ko narin yung phone na ginagamit ko currently, eh dumaan ako sa may bintana. May puno dito dati na nagpadali sa pag-alis ko sa mga ganito noon, pero nung malaman nila na ginagawa ko yun eh pinaputol nila yung puno. Pero dahil sa exterior design ng bahay na bricks eh nakakababa parin ako. I made it safe. Nakababa ako ng walang nakakaalam. Pagkababa ko sinuot ko naman agad yung fliplops ko at tiyaka ako lumabas ng gate.

Without You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon