KINABUKASAN
Aww, umaga nanaman. Nagising ako na nakapatong yung phone ko sa tenga ko. Nakatulog ata ako sa pagkanta niya.
“Anak! Bilisan mo kumilos, may nagaantay sayo.” Sabi ni Mommy.
Shete! Si Terrence nandito? Kailangan kong bilisan yung pagki--- Imposible. Wala na nga pala kami, eh sino yung naghihintay sa akin? Haayyyss, ang aga aga naisip ko agad si Terrence. Hindi ba pwedeng di ko muna siya maalala? Yung maalala ko na lang siya pag tapos na akong makamove on?. Makaligo na nga lang.
Pagkatapos kong maligo lahat lahat, bumaba na ako para kumain ng almusal.
“Good morning my dear family! Whats for breakfast?!” Masiglang bati ko sa kanila sa dining room.
“Mukhang masigla ang buns namin ah.” Sabi ni kuya Xander.
“Siyempre naman.” Sagot ko. Habang sumasagot ako nakita ko yung mata ni kuya Clifford na nakatingin sa akin, alam kong alam niya na sigla siglahan lang yung ginagawa ko kanina. Siya kasi ang pinaka-nakakakilala sa akin sa aming magkakapatid. Iniwas ko nalang yung tingin ko, sa pag-iwas ko naman ng tingin nakita ko ang isang taong nakaupo sa tabi ng upuan ko.
“Jeric?! Anong ginagawa mo dito?” bigla kong sabi.
“Hinaantay ka? Baka kasi magdrama ka nanaman kung gano kalayo yung bahay niyo sa gate ng subdi na to eh.” Bigla naman akong nag-blush. Napatingin naman sa akin yung pamilya ko na parang sinasabing “Totoo? Nagdrama ka ng ganun?” Da heck lang.
“A-ano ba Jeric. Kumain ka nalang diyan.” Pag-iiba ko ng usapan tiyaka umupo.
“Sure Dryx.”
“DRYX?!”
“Oh, ang OA ah?. Pangalan ko yun eh. Kumain na lang kayo.” Sabi ko. Pero yung mga lalaki dito sa bahay matamang nakatingin kay Jeric. Si Mommy naman ngingiti ngiting kumakain. What’s wrong with these people?
Natapos naman kaming kumain sa wakas akala ko eh aabutin pa kami ng sobrang tagal doon. Baka di na ako maka-survive jusko! Pagkatapos nga na pagkatapos naming kumain ni Jeric eh hinatak ko agad siya palabas para makasakay na kami sa kotse niya.
Kaya eto, nandito na kami sa kotse niya. Tahimik lang, paano hindi ko siya kinikibo, tska busy siya sa pagda-drive minsan naman eh nagtetext siya, kaya di ko na lang din kinausap. Nang makarating naman kami, nasa tapat ng gate yung barkada. Bakit naman kaya? Bumaba na din naman kami ni Jeric ng kotse niya ng makapag-park na siya.
“Oh, anong ginagawa niyo diyan?” tanong ko.
“Nasabi sa akin ni Aaron na kasama ka niya sa kotse. Aba! Alexa Lee, lumalandi ka nanaman” sabi naman ni Jared
“Oo nga noh, Jared?” Sabay sabay na sabi nung apat na lalaki.
“Lee ha. Ang aga ng landi. Hahaha.” Psh. Really, anong meron ngayong araw?
BINABASA MO ANG
Without You (On-hold)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa kasawian sa pagibig, kung paano masaktan, kung may tao bang darating para sa bagong pag-ibig, karanasan at lahat ng bago na pwedeng maranasan.