“Without you.” Yan lang ang nasabi kong salita nang hiwalayan niya ako mga 2 minutes ago. Oo, kakabreak lang namin mga kababayan. Ang dahilan niya? Nalaman daw niya na mas mahal niya yung bestfriend niya kesa sa akin , kaya ayun pinagpalit niya ako dun at nakipag-break siya sakin.
Naisip ko na lang…
Am I not enough?, hindi ba sapat yung binibigay ko sa kaniyang love and care?
“Miss, para kang tanga diyan. Anong “Am I not enough?” at “Hindi ba sapat yung binibigay ko sa kaniyang love and care?” yung sinasabi niyo diyan? Yung order niyo po yung tinatanong ko.” Sabi ni---- teka, sino nga ba ‘to?.
“Huh?” nasagot ko nalang.
“Ugh! @#$%^&*()+_)(*&^%$ Nagda-drama po ata kayo diyan. Kung hinahanap niyo po yung lalaking kausap niyo kanina, nakaalis na po siya kasama po yung ‘girlfriend’ niya. So, ano na pong ‘order’ niyo?” Ay, waiter pala to.---- Teka nga, babae ata ‘to eh, pero bakit boses lalaki? Sa bagay, may mga ganung babae nga pala. Tumingin muna ako sa menu, syempre di ko alam kung anong oorderin ko.
“Uhmm. Ate, grilled ste---”
“I’m not a girl, for fvck’s sake!.” Nagulat ako.
“H-hindi ka bb-ba---”
“Hindi nga! Lalaki ako okay? Mukha lang babae, ‘di mo ba napansin na naka-boy’s cut yung buhok ko?”
“Hindi eh. Tyaka mukha ka talagang babae eh. Sorry.” Sabi ko na nahihiya. Kumokota na ata ako sa kahihiyan ngayon. Leche kasi yung ex ko. Nalutang tuloy ako.
“Your order ma’am?” Aba, umamo ata? Yae na nga.
“Grilled steak and I want four seasons for my drink.” Sagot ko.
“Side dish ma’am?”
“Mashed potato nalang.” Sagot ko ulit, umalis naman agad siya pagkatapos ng sagot ko na yon.
Mabalik na nga ako sa iniisip ko kanina. Nakipag-break na yung damuhog na lalaking yun sa akin. 10 months din kami ah. Ang tagal ng 10 months tapos ngayon lang niya na-realize na mas mahal niya yung bestfriend niya na yun kesa sa akin? Ang tanga naman niya. Psh. Dahil wala na kami, kailangan ko nang magmove-on. I need to act strong in front of everybody kahit masakit sa loob ko. Mahal ko naman yung ex ko na yun siyempre. Aabot ba kami ng 10 months kung di ko yun mahal?. Tss. Kaso, move---
“Hey, Lex!!” May tumawag ba sa akin?
“Lex! *pok!* Nandito na ako sa harap mo, dummy.” Oo nga pala, may pangalan ako since tao rin naman ako katu---
“Alexa Dryx Lee!!” Ayan na! Ayan na! naunahan na akong magpakilala. Yep, Alexa Dryx Lee nga ang pangalan ko. Ang cute noh?.
“Ano ba Lee?” O-oh. Lee na ang tawag niya sa akin. Pikon niya forevs, nagpapakilala pa kasi ako eh. Mamaya na nga.
BINABASA MO ANG
Without You (On-hold)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa kasawian sa pagibig, kung paano masaktan, kung may tao bang darating para sa bagong pag-ibig, karanasan at lahat ng bago na pwedeng maranasan.