Prologue

40 3 0
                                    

Ang pag-ibig ay sadiyang napakahiwaga. Magmamahal ka, sasaya ka, mapupuno ng ligaya, makakaranas ng sweet gestures, kikiligin, pero sa lahat ng saya na mararanasan mo may kaakibat na kalungkutan dito. Napakahiwaga nga naman lahat ng nasa mundo na ito. Buhay, pag-ibig, tao, lahat sadiyang may nakabalot na misteryo.

                          

Sa isang taong makikilala mo, akala mo siya na. Pinaranas niya sayong maturing na parang prinsesa, na parang ikaw ang babaeng dapat pinakaiingat-ingatan. Paano kung nagbago bigla ang ihip ng hangin? There's a quote saying

"Time passes, memories fade, people leave, and feelings change."

Ang araw lumilipas, ang bawat alaala nakakalimutan, ang tao hindi permanente sa buhay na'tin. At ang nararamdaman natin nagbabago.

Kapag nawala na siya sayo, kakayanin mo ba? Mahal mo, espesyal sayo, iniingatan mo at iba pa tapos bigla ka nalang iniwan nang dahil sa pagbabagong naramdaman niya, kakayanin mo ba? Iiyak ka nalang ba? O Ipapakita mong matapang ka.

Lahat ng bagay may katapusan, pag-ibig pa kaya? Pero....

 Sabi nga nila "There's always a rainbow after the rain." Makakakita nga ba siya ng bagong taong makakapag-paligaya sa kaniya pagkatapos ng sakit na dinulot sa kaniya ng taong mahal niya? O patuloy lang niyang ikukulong ang sarili niya sa nakaraan na hatid ng isang taong minahal o posibleng minamahal parin niya.

Ang istoryang ito ay patungkol sa kasawian sa pagibig, kung paano masaktan, kung paano siya makakaahon sa kumunoy na pinagbaunan niya na kung tawagin ay pagibig at kung may tao bang darating para sa bagong pag-ibig, karanasan at lahat ng bago na pwede niyang maranasan.

"Bagong tao, bagong kaibigan, bagong araw, bagong karanasan. Can I continue my life without you?"  -ADL

Without You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon