5

8 0 0
                                    

Sorry po at nalate yung update ko. Naging busy lang po ako lately at magiging busy parin po ako due to exams and school activities please understand guys. :)). Here's the chapter 5, enjoy  and be the judge. feel free to comment and vote po. :)). Thankieess :** :)

“Nandito ako nasa harap mo, yakap yakap ka. Bakit mo ‘ko hinahanap?” sabi niya.

“Huh?” Nasagot ko nalang. Nalilito ako sa pinagsasabi niya eh. HAHAHA.

“Sabi mo kaya kanina, “Nasaan na kaya yung nakatira dito?.” Eto nga ako oh kaharap mo at kayakap mo.” Bigla naman akong namula. Nasabi ko yun ng malakas? Nasa isip ko lang yun eh. Aigooo.

*chuckles*

“Ang kyoot mo mag-blush. *chuckles*” lalo akong nagba-blush sa pinaggagawa niya eh. Diniinan niya lalo yung pagkakakurot niya sa pisngi ko. Bali yung isa niyang kamay nasa pisngi ko, tapos yung isa niyang kamay nakahawak sa may bewang ko, nakasuporta.

“Mashaket na Jeric.” Sabi ko. Naramdaman ko nalang na ginulo niya yung buhok ko. Nagpanic naman daw ako.

“Yung buhok ko! Aigoo. Ano ako aso?! Aso?! Ang ganda ko naman para maging aso!” sabi ko.

“HAHAHA. Hindi ka po aso. Oo na maganda ka na. Ngayon lang yan ah.” Napa-pout naman ako sa sinabi niya. Tapos bigla niyang hinatak yung lips ko.

“Wag kang nagpapout ha?” sabi niya tiyaka binitawan yung lips ko. Bakit? Kyot ko kaya kapag naka-pout. HAHAHA. Bahala nga siya diyan.

“Aaron, anak? Ikaw ba yan? Napaaga ka---- girlfriend mo?” mama ata ni Jeric ‘to. Ang ganda.

“Ah, Hi po tita. *smiles* Tropa ko po si Jeric.” Sabi ko kay tita tiyaka nag-bless.

“Jeric?” sabi niyang parang nagulat.

“Ay, bawal po ba?” sabi ko bigla.

“Hindi!, hindi!. Ayos lang yun. Tara, pasok kayo sa loob.” Sabi ng mama niya. Kaya ayun pumasok kami sa loob.

“Yaya! Magdala ka ng snacks dito!” Sigaw ng mama niya nung nakapasok kami sa loob. Pinaupo naman niya ako sa sofa nila sa living room nila. Nagulat ako ng biglang magseryoso yung mukha niya.

“Bakit, ang aga niyo ngayon? Ang alam ko hindi kayo half day.” Seryoso niyang sabi. Magsasalita na sana si Jeric ng tinignan ko siya ng masama, kaya hindi na siya nagsalita.

“Pasensya na po, Tita?”

“Era.” Seryoso parin niyang sagot.

“Pasensya na po, tita Era. Nadamay lang po yung anak niyo sa kagagahan ko sa buhay. Yung una ko po kasing sineryosong lalaki, nagloko tapos nakita ko po sila sa music room ng school naglalampungan, sumunod po pala yung anak niyo sa akin kasi naguilty ata sa pambubwisit niya sa akin nung umaga. Dinala niya po ako sa likod ng school, kinomfort, kinantahan at nag-sorry po siya sa akin. Tapos umepal po yung ex ko nagkaroon ng konting sagutan tapos po nag-walk out ako hanggang sa napadpad po ako sa harap ng bahay niyo tapos po nakasunod parin po pala sa akin yung anak niyo. Nadamay lang po siya sa kadramahan ng buhay ko. Sorry po.” Paliwanag ko.

Without You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon