2

28 0 0
                                    

Haayyyy, shet naman. Nakakapagod maglakad alam ba ng magulang ko ‘yon?. Bakit kasi sa dulo pa sila ng subdivision na ‘to kumuha ng bahay? Pagod na ako, wala pa ako sa school. Syempre wala namang public vehicles dito, kaya lalabas ka pa talaga hanggang sa gate kung wala kang sariling sasakyan. Psh, nasa kalahati palang ako. Pero kanina pagkalabas ko nang bahay pinagiisipan ko kung sinong lilipat sa tabi naming bahay, may naglilipat eh. Sana mabait. Wala kasi si Arianne dito eh, sa kabilang subdivision pa siya.

*boogsh*

“Aww.” May nakabunggo sa akin, ganun na ba ako nagdedeliryo at di ko na nakita yung nilalakaran ko? HAHAHA.

“Look, miss. Natapunan yung damit ko ng hot choco. Pay for this.”Aba, arogante ah.

“I’m sorry--- Waiter?!” Naalala niyo yung lalaki kahapon na napagkamalan kong babae? Siya nga yun.

“I’m not a waiter now miss.”

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Dun sa  may dulo yung bahay namin. Basta, long story. Hindi ka pa ba male-late?” napatingin naman ako sa wrist watch ko.

7:02 am.

“Tangna! Malelate na ako.”

“Hey! Wag ka  nga magmura. Babae ka ba talaga?”

“Kapag babae di na pwedeng magmura ganon? Psh.”

“Sabay ka na lang sa akin.”

“Talaga? Sige sige. Daliiiiiiii.” In 8 minutes malelate na ako. Leshe kasi. Nagdrama pa ako kung gano kalayo yung bahay namin sa gate nitong subdivision eh. Tinuro naman niya yung kotse niya at agad akong sumakay sa harapan.

“Aba, buti may common sense ka at di ka sa likod umupo.” Sabi niya naman sakin.

“Kasi kuya, sanay akong dito umuupo.” Sagot ko.

“Di mo ko kuya okay? I think magkaedad lang tayo.”

“Di ko naman kasi alam yung pangalan mo kaya di ko alam ang itatawag sayo.” Sagot ko naman.

“Oh, sorry. I’m Aaron Jeric Ford. 17 pa nga lang pala ako. Ikaw?”

“Ang cute ng name mo. Hi Jeric! *smile* 17 lang din ako. Pano ka pala papasok? Nabasa ko yung damit mo.”

“Meron akong polo diyan sa likod. Ayos lang.”

“Ah. Sorry talaga ah?. Pero teka, pano ka nakakapag-drive kung 17 ka palang? Diba 18 above pa ang mga nagkakalisensya?.”

“Di ka naman madaldal ano? Connections. Ano ngang name mo? Di mo naman sinabi eh.”

“Oo nga noh? HAHAHA. Alexa Dryx Lee is the name.” sabi ko ng nakangiti.

Without You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon