Chapter Two: she's about to summon the devil

2.4K 191 53
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






KULANG na lang ay paliparin ko ang aking kotse para makapunta nang mabilis sa ospital kung saan naroon ang aking mama. Ayon sa nakausap kong pulis sa Lucena ay nawalan ng preno ang bus na sinasakyan ni mama at ilang kotse ang inararo niyon bago ito bumangga sa isang poste ng ilaw. Nasa may unahan si mama kaya grabe ang pinsalang tinamo nito kumpara sa ibang pasahero.

Hindi ko na tinanong sa doktor sa ospital kung ano ang damage na meron si mama dahil baka mas lalo akong panghinaan ng loob at hindi na ako makapag-drive ng maayos. Baka pati ako ay maaksidente rin kapag magulo ang aking pag-iisip. Ang ginawa ko na lang habang nagda-drive ay nagdasal sa kaligtasan ng aking nanay. Sana ay hindi siya pabayaan ng nasa Itaas.

The moment I got in the hospital ay dumiretso agad ako sa front desk. Nasa operating room pa raw si mama.

What? Operating room? Ano ba talaga ang nangyari sa nanay ko?

Hindi ko na naisipang magtanong sa nurse sa front desk at hinanap ko na lang ang operating room. Nanghihina at umiiyak na umupo ako sa nakahanay na upuan sa labas niyon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo doon hanggang sa maya maya ay may lumabas na babaeng doktor. May talsik pa ng dugo sa kulay white niyang lab gown.

Tumayo ako at hinarang siya. “Doc, a-anak po ako ng nasa loob. Olymfia Avila po. K-kumusta na po ang mama ko? Ano po ba ang nangyari sa kaniya?” tanong ko sa nanginginig na boses.

Inalis muna niya ang face mask at head cap. “She’s out of danger now but we have to perform a leg amputation sa kaniya. Both legs ay nagkaroon ng matinding trauma kaya nagdecide kami na putulin na ang dalawa niyang binti. We’re calling you para sabihin ang gagawin namin sa kaniya pero you’re not answering. Very urgent ang operation kaya ginawa na namin…” Diretso ang matang sagot ng babaeng doktor.

Parang tinakasan ng lakas ang mga binti ko sa narinig. Napahawak ako sa dingding. Pakiramdam ko kasi ay matutumba ako anumang sandali…

-----ooo-----

AFTER three weeks sa ospital ay nakalabas na si mama. Originally, sa bahay ko sana siya ididiretso pero she insisted na sa bahay namin sa province siya tutuloy. Mas gusto niya daw ang sariwang hangin doon kesa sa hangin sa siyudad na puno ng pollution.

Gusto ko na magkasama na kami ni mama lalo na sa situation niya ngayon. She needs me. Kailangan niya ng anak sa tabi niya. Hindi ko ma-imagine kung gaano depressing ang mawalan ng dalawang binti. Natatakot ako na baka ilugmok ng kalungkutan ang nanay ko kaya nag-decide ako na iwanan ang bahay ko at sa province na tumira kasama si mama.

Kaya ko pa naman sigurong ituloy ang paggawa ng vlog kahit nasa province na ako.

Hindi ko ipinagbenta ang bahay ko sa city. Nabili ko iyon sa sarili kong bulsa at masakit kapag ibinenta ko iyon. I’ll keep that house para kapag pupunta ako ng city ay hindi na ako mamumroblema ng tutuluyan. Ipapalinis ko na lang iyon once in a while sa taong mapagkakatiwalaan. Baka sa friends ko.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon