Chapter Four: facing the devil himself

2K 186 27
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.











DIABLO. Isang maikling salita. Nakakatakot kung iisipin. Isang pangalan na hindi ko maintindihan kung bakit simula nang marinig ko ay hindi na ako pinatahimik.

Marami na akong nakilalang kriminal sa pamamagitan ng ginagawa kong content sa Youtube community. May rapist, murderer, killer, magnanakaw, kidnapper, mga nakapatay at mga napagbintangan na walang kasalanan. Lahat sila ay nasa kulungan kagaya ni Diablo ngunit nakakapagtaka na kakaiba ang nararamdaman ko para sa kriminal na ito.

Dahil ba siya ang kauna-unahang serial killer na makikilala ko at nanalasa pa sa bayan kung saan ako ipinanganak? Kaya ba parang may personal na connection ako sa taong iyon?

To be honest, I really don’t know the answer. Kahit sarili ko ay hindi kayang sagutin ang mga katanungang tumatakbo sa aking utak habang nasa likuran ako ni Nurse Thelma at nakasunod sa kaniya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Sanay na akong humarap sa mga kriminal pero bakit dito kay Diablo ay may takot akong nararamdaman?

Isang mahabang hallway ang nilalakaran namin. Puti ang tiles at ang pintura ng dingding. Amoy gamot. Kagaya ng sa hospital ang amoy ng kapaligiran. Malinis at halatang hindi napapabayaan ang facility kahit pa sabihing mga kriminal ang naroroon.

Lumiko kami sa kaliwa at napansin kong may mga pintuang bakal sa gilid. May maliit na sliding window sa gitnang itaas kung saan pwedeng buksan iyon ng nasa labas upang makita ang nasa loob. Nasa likuran siguro ng isa sa mga pinto na iyon si Diablo.

Ipinasok ako ni Nurse Thelma sa isang silid na may square na lamesa sa gitna at dalawang upuan. Nakita kong naka-fix sa sahig ang upuan na gawa ng metal na para bang ginawa iyon upang hindi maigalaw ang upuan ng uupo doon. May armrest din ang dalawang upuan. Malamlam ang ilaw na nasa gitna at umuugong ng mahina ang airconditioner. Maganda ang ventilation sa silid na iyon at hindi mainit.

“Dito kayo mag-uusap. Hintayin mo siya at ipapadala ko na siya dito anumang sandali.” Malamig na sabi ni Nurse Thelma.

“Thank you—” Napasimangot ako nang tumalikod siya kahit hindi pa ako tapos magsalita.

Tumutunog ang takong ng sapatos ni Nurse Thelma habang naglalakad palabas.

Si-net-up ko na ang camera at tripod. Sa likuran ko iyon ipinuwesto para makikita ang mukha ni Diablo habang kaunting parte ng likod ko lang ang makikita. Siyempre, wala sa akin ang focus kundi sa magiging “star” ng video ko na ito. Ilang beses ko din na chi-neck ang angle ng camera at habang ginagawa ko iyon ay may narinig akong yabag ng sapatos.

Automatic akong napatingin sa nakabukas na pintuan at parang tinambol nang malakas ang dibdib ko. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay orange na t-shirt at itim na pants ang nakaposas ang mga kamay habang may dalawang lalaking naka-uniform ng pulis ang nakahawak sa magkabilang braso ng lalaki.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon