Chapter Six: serial killers are not born

2K 165 42
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.









“HINDI pa ako ipinanganak no’ng panahon na pumapatay sa San Cristobal si Diablo, Ate Olivia, pero alam ko na si Diablo ang pinaka kinatatakutan noon dito. Siya ang ginagawang panakot sa aming mga bata kapag ayaw naming matulog sa tanghali o kaya ay ayaw naming kumain dahil hindi namin gusto ang ulam. ‘Kukunin ka ni Diablo!’ ‘Sige, 'andiyan si Diablo sa labas. Kapag hindi ka natulog, papatayin ka niya. Lalagyan ka niya ng ekis at pupugutan ng ulo!’ Ganiyan ang madalas na panakot sa amin…” Sa mahinang boses ay ikinukwento sa akin ni Karen ang alam niya kay Diablo.

Tinurukan ni Karen ng pampakalma si mama nang magwala ito kanina. Reseta iyon ng doktor dahil alam na nito na maaaring maghisterikal ang nanay ko dahil sa kalagayan nito. Maaari daw itong atakihin ng anxiety anumang oras.

Nasa kwarto na siya. Natutulog at nagpapahinga kaya malaya kami ni Karen na pag-usapan si Diablo. Masyado lang akong na-curious kung ano ba talaga ang naging epekto ni Diablo sa mga tao sa San Cristobal. Kay mama na lang ay kitang-kita ko na ang takot nito sa serial killer na 'yon.

“Kaya ba naaalala ni mama si Diablo kanina ay dahil sa balitang may babaeng pinugutan ng ulo?” usisa ko.

Kumibit-balikat siya. “Siguro, ate. Sa pagkakaalam ko ay ganoon ang paraan ni Diablo sa pagpatay. Pinupugutan niya ng ulo ang biktima niya tapos ilalagay niya iyon sa kasunod niyang biktima. Hala, ate! Kinikilabutan ako kapag na-i-imagine ko!” Paulit-ulit na hinimas ni Karen ang sariling braso.

“Pero imposibleng si Diablo ang may kagagawan niyon, 'di ba? Nasa kulungan na siya.”

“Siyempre naman, ate. Sobrang imposible. Hindi si Diablo ang pumatay doon sa babae. Ibang tao na may halang na kaluluwa ang may kagagawan niyon.”

May point ang sinabi ni Karen. Imposible talagang si Diablo.

Huminga ako nang malalim. “Sige, tingnan mo muna si mama. May pupuntahan kasi ako ngayon. Basta, iiwas mo muna si mama sa panonood ng balita sa TV o pagbabasa ng dyaryo para hindi na siya ma-stress. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya, Karen.”

“Okay po, ate. Gagawin ko po ang sinabi mo.”

-----ooo-----

“HEY, criminals! This is the second part ng interview ko kay Diablo o kay Larry Lucero. I’m on my way na sa special mental facility kung saan siya nakakulong at itutuloy namin ang naputol na pag-uusap naming dalawa. By the way, tumawag na ako sa head nurse nila doon kagabi pa para alam nila na darating ako. Last time kasi ay sobrang tagal ng pinaghintay ko bago ko nakaharap si Diablo!”

Itinigil ko ang pagre-record sa sarili ko gamit ang video camera nang huminto na sa harapan ng mental facility ang tricycle na sinasakyan ko. Nagbayad ako at bumaba na. Sandali lang akong naghintay sa waiting area at hinarap na agad ako ni Nurse Thelma para ihatid sa interrogation room.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon