Chapter Three: welcome to hell

2.3K 183 26
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










THE next morning, nagpaalam ako kay mama na mamasyal ako sa San Cristobal pero ang totoo ay magtatanong-tanong ako ng tungkol kay Diablo sa mga taga-rito. Of course, kung sino ang nakakakilala sa kaniya ay iyong nakatira sa San Cristobal. Ako kasi hindi ko siya kilala, to be honest. Kung hindi pa dahil sa mga followers ko ay hindi ko malalaman na nag-e-exist pala siya.

Wala akong dapat ipag-alala kay mama dahil binabantayan siya ni Karen. Alam na niya ang gagawin niya at mga gamot na kailangang i-take ni mama.

Nagsuot ako ng comfortable na summer dress na kulay yellow at flat shoes. Nakasukbit sa leeg ko ang may kabigatan kong video camera. May body bag din ako kung saan nakalagay ang aking wallet, phone at powerbank. Mabuti na ang ready, 'di ba? Baka sakaling kailanganin ko ang mga iyon. Siyempre, hindi mawawala ang aking notebook at ballpen to take important notes. Tripod na rin.

After our breakfast ay umalis na ako.

Nakikisama ang panahon dahil kahit matindi ang sikat ng araw ay hindi ko iyon masyadong nararamdaman dahil malamig ang hangin.

Habang naglalakad ay panay ang samyo ko sa hangin. Iba talaga ang simoy ng hangin sa probinsiya kumpara sa siyudad. Nafe-feel ko ang kasariwaan ng hangin dito sa San Cristobal.

Napakaganda pala talaga ng hometown ko. Simple ang istilo ng mga bahay at walang matataas na gusali. Halos lahat ng bahay ay may makukulay na bulaklak sa harapan kaya ang gandang tingnan. Nag-take ako ng picture for my IG feeds.

Maraming malalawak na palayan at taniman ng kung anu-anong gulay. May mga talahiban din at natatanaw ko ang bundok sa malayo. Hindi gaanong maayos ang pagkakagawa ng daanan na mas nagbibigay ng “probinsiya vibes” sa lugar.

Kung wala akong gagawin na content ay lilibutin ko na lang itong San Cristobal. Bukod kasi sa malawak na kalupaan ay ipinagmamalaki rin dito ang magandang beach. Malawak daw kasi ang dalampasigan ng dagat dito at iyon ang hindi ko pa nakikita.

Twenty-eight na ako pero bilang lang sa daliri ko sa kamay kung ilang beses akong nakauwi dito dati.

Binuksan ko na ang aking video camera at kinabitan iyon ng tripod para mas madali ko iyong mahawakan.

Nag-start na akong mag-record habang mabagal na naglalakad. “Hey, criminals! Welcome to my channel. Kagaya ng promise ko sa inyo ay gagawan na natin ng content si Diablo. You’re right, criminals… Tutal nandito ako sa San Cristobal ay dapat kong i-grab ang chance na makagawa ng docu about him. To be honest, naiintriga rin ako kay Diablo. Kung sino ba siya at kung ano na ang nangyari sa kaniya ngayon. Buhay pa ba siya or dead na? If he’s still alive, where is he now? Hmm… Ayaw din kasi akong bigyan ng information ng mother ko kaya naisipan ko na mag-interview ng mga taga-rito sa San Cristobal. Samahan ninyo ako, ha?” Nag-smile ako at ini-stop na ang recording.

Tumigil muna ako sa paglalakad at luminga-linga. May mga batang naglalaro ng tumbang preso sa unahan ko at tatlong babae sa harapan ng isang sari-sari store. May mga naglalakad na lalaki na may nakasukbit na kawayan sa balikat at meron na may sakay ng kabayo at hinihilang kalabaw.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon