Chapter Eight: the only girl he loved

1.9K 165 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.











“I-ISA ba sa mga lalaking iyon ang tatay ko?” Nanginginig ang boses na tanong ko kay mama.

Parang binibiyak ang puso ko habang pinapakinggan ang pagkukwento ng aking nanay sa madilim na bahagi na iyon ng kaniyang buhay. Wala akong alam. Hindi niya iyon nabanggit sa akin noon. Kahit si lola ay walang nasasabi sa akin na pinagsamantalahan ng tatlong lalaki si mama.

Lumuluhang umiling si mama. “Hindi. Sigurado akong hindi isa sa tatlong halimaw na iyon ang ama mo, Olivia. Wala sa kanila dahil hindi sila nagtagumpay sa kanilang maitim na balak sa akin,” aniya sabay tingin sa malayo na para bang may isang magandang alaala na pumasok sa kaniyang isipan.

“Ang akala ko ba ay… Paano kayo nakaligtas sa kanila?”

“May tumulong sa akin. May dumating na hindi inaasahang tao na tutulungan ako…” At muli siyang nagpatuloy sa pagkukwento.

-----ooo-----

NAMAMAOS na si Olymfia sa pagsigaw at unti-unti na siyang nawawalan ng lakas na magpumiglas. Hindi na niya kayang manlaban pa. Lumuluhang ipinikit niya ang mga mata at tinanggap sa sarili na wala siyang laban sa tatlong lalaki.

Hiling niya na sana ay hindi siya patayin ng mga ito. Wala pa sa isip niya ang mamatay. Nais pa niyang mabuhay. Marami pa siyang pangarap na gustong tuparin.

“Ganiyan nga. Huwag ka nang lumaban. Makisama ka na lang!” Narinig niya ang pagbukas ng zipper ng pantalon.

Nagulat na lang si Olymfia nang may tumalsik na likido sa mukha niya. Pagbukas niya ng mata ay napasigaw siya nang makitang wala nang ulo ang lalaking nasa ibabaw niya. Ang likido na tumalsik sa kaniya ay ang dugong pumupulandit sa leeg nito!

Nahihintakutang inalis niya ang katawan ng lalaki sa ibabaw niya at nagsumiksik sa isang sulok ng lumang kubo. Sigaw siya nang sigaw habang walang tigil na pinagsasaksak ng isang matangkad na lalaki ang dalawa sa tatlong lalaki na gustong humalay sa kaniya.

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya ng sandaling iyon. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng taong pinapatay sa harapan niya mismo.

Maya maya ay huminto na ang bagong dating na lalaki sa pagsaksak sa dalawang lalaki. Nakita pa niya ang isang mahabang bolo sa sahig na merong bahid ng dugo. Iyon marahil ang ginamit nito sa pagpugot ng ulo sa lalaking nasa ibabaw niya kanina.

Mas lalong binalot ng takot si Olymfia nang pagharap ng lalaki ay nalaman niyang si Diablo iyon. Suot nito ang maskara na yari sa balat ng usa kung saan ito kilala. Ang kinatatakutang serial killer sa San Cristobal—kaharap na niya. Puro babae ang pinapatay nito kaya inisip niyang katapusan na niya ng gabing iyon.

Ngunit nagulat siya nang iabot nito ang damit niya at tinulungan pa siyang isuot iyon.

“S-salamat…” May takot at nag-aalinlangang sambit ni Olymfia habang nakatingin si Diablo sa kaniya nang mataman.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon